Ahas sa Garden (388)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

“Huwag na po Mang Alexis, puwede ko namang­ bitbitin ang aking libro at mga notebook,” sabing nahihiya ni Nicole makaraang sabihin ni Alexis na ibibili siya nito ng backpack na gagamitin sa school.

“Ibibili kita dahil kaila­ngan mo ang backpack.’’

“Wala pa po akong ibabayad sa’yo.’’

“E ‘di pag meron ka nang ibababayad sa akin saka mo bayaran. Kung kailan ka maluwag.’’

“Nakakahiya naman po. Marami na akong utang sa’yo Mang Alexis.’’

“Huwag mong intindihin yun. Basta pagbalik ko galing Maynila e dala ko na ang backpack mo.’’

“Hanggang kailan ka po sa Maynila?’’

“Baka isang linggo ako roon o mahigit pa. Depende sa rami ng kaka­usapin kong kliyente. Ma­rami pa kasing may interes dito sa natuklasan kong bagong bigas – itong Alexis Rice. Baka mahigit isang linggo ako roon.’’

“Sino po ang magbabantay sa inyong kamalig?’’

“Wala. ‘Yung dati kong katiwala na matanda e nasa bayan at nag-aalaga ng apo. Pero okey naman na walang tao.’’

“E ‘di ako po muna ang tatao roon at lilinisin ko na rin habang nasa Maynila ka.’’

“Kaya mo pa ba?’’

“Oo naman po.’’

“E ‘di sige. Eto ang susi. Magluto ka na lang ng kung ano ang gusto mo. Mara­ming stock sa ref. Pumili ka na lang dun.’’

“Ako na po ang bahala, Mang Alexis.’’

“Salamat, Nicole. Bukas e maaga akong aalis.’’

“Ingat ka po.’’

umaga. Abalang-abala­ si Nicole sa pami­mitas ng mga talong. Nagmamadali sila dahil parating na ang trak na maghahakot ng mga gulay. Ang kaibigan at kasama niya sa trabaho na si Nina ay nasa ‘di-kalayuan at namimitas din ng talong.

Pagyuko ni Nicole para pitasin ang mga talong na natakpan ng mga dahon, nagulat siya at napasigaw sa nakita.

Isang ahas ang nasa may puno ng talong!

“Eeeeeeeee!”

Biglang napatakbo si Nina sa kinaroroonan ni Nicole.

“Bakit Nicole? Anong nakita mo at napasigaw ka?’’

“Ahas! May malaking ahas!’’ (Itutuloy)

AHAS SA GARDEN (388)
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with