Ahas sa Garden (387)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

“ANG sarap nga ng Alexis Rice!’’sabi ni Nicole makaraang kumain ng kanin na bagong luto at inulaman n kare-kare. “Ang lambot at ang dulas sa dila.”

“Sabi ko sa’yo e. Kaya nga nagustuhan ng Japanese na nagtungo rito. Mag­tatayo kasi siya ng restaurant dito at gusto niya ay bigas na Pinoy ang gaga­mitin. Mahal daw kasi ang Japanese rice.’’

“Marami pong makaka­gusto sa bigas na ito. Madali pang tandaan ang pa­ngalan --- Alexis Rice.’’

“Naisip ko kasing panga­lanan para mabilis maalala. Kung basta bigas lang ay walang dating.’’

“Oo nga po. Maganda nga ang may pangalan.’’

“Itong bigas na ito ay 100 percent na hindi ginamitan ng fertilizer at insecticide kaya makakasiguro na ligtas. Karamihan kasi ng mga bigas ngayon ay gi­na­mitan ng kung anu-anong pataba at gamot sa insekto na masama sa kalusugan.’’

“Nabasa ko nga po ‘yan. Kaya po siguro maraming nagkakasakit ngayon ano?’’

“Oo.’’

Sumandok pa ng kanin si Nicole at inilagay sa kanyang plato.

“Ang sarap talaga ng kanin. Mapaparami ako ng kain nito, Mang Alexis.’’

“E ano naman. Kailangan­ nga e kumain ka dahil nagtatrabaho ka at saka nag-aaral. Baka manghina ka habang nasa school.’’

“Hindi po kaya ako tumaba, he-he-he.”

“Hindi naman siguro at saka nasusunog mo naman ang kinakain mo dahil aktibo ka. At saka palagay ko e hindi ka naman tabain. Mana-mana lang din kasi ang pagiging mataba.’’

“Sabagay nga po. Si Mama ay slim din kasi.’’

“Maganda rin siguro ang mama mo.’’

“Opo. Maganda po si Mama.’’

“Kamukha mo siguro?’’

“Sabi po nila,’’ sabi at bahagyang ngumiti.

“Siyanga pala bukas ay luluwas uli ako ng Maynila dahil makikipag-meeting ako sa may-ari ng restaurant. Mayroon ka bang ipa­bibili?’’

“Wala po Mang Alexis.’’

“Baka kailangan mo ng gamit sa school.’’

“Hindi po. Okey na po ang gamit ko.’’

“Teka, ibibili kita ng back­pack. Kailangan mo ‘yun!’’

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with