Ahas sa garden (384)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

NAGULAT si Alexis sa sinabi ni Nicole na ipag­lilinis siya. Tumutol siya sapagkat alam niyang wala ring pahinga si Nicole at nag-aaral pa ito sa gabi.

‘‘Huwag na, Nicole. Magpahinga ka na lang dahil alam kong pagod ka na rin.’’

‘‘Hindi naman po ako pagod. Sige na po para makabayad ako sa mga kabutihan mo.’’

“Huwag na, Nicole. Sige na magpahinga ka na lang.’’

‘‘E wala ka po bang ipag-uutos. Baka naman gusto mo pong ipagluto kita ng kare-kare na may masarap na bagoong alamang.’’

Naglaway si Alexis   sa sinabi ni Nicole. Matagal na nga siyang hindi nakakakain ng kare-kare. Nasa Maynila pa yata sila. Tama! Ipinagluto nga siya ni Nicole. Masarap mag­luto si Nicole ng kare-kare.

‘‘E sige, pero baka may gagawin ka?’’

‘‘Wala nga po. Kaya nga ako nagtungo rito e para makaganti ng kaganda-hang loob.’’

“Sige magluto ka ng kare-kare. Pipitas lang ako ng talong, petsay, kalabasa at puso ng saging sa bakuran.’’

“Sige po, Mang Alexis.’’

Lumabas si Alexis at pumitas ng gulay. Marami siyang tanim sa bakuran ng kamalig.

Nang makakuha ng  mga gulay, dinala iyon sa kusina at naabutang nag-babalat ng bawang si Nicole para sa gigisahing bagoong alamang.

‘‘Tutulungan kitang  maggayat ng mga gulay.’’

“Sige po.’’

Habang naggagayat ay kinukumusta ni Alexis si Nicole.

“Kumusta ang studies mo, Nicole?’’

“Okey naman po. Baka mapasama po ako sa dean’s lists.’’

“Wow, galing! Nagtatrabaho ka pa ng lagay na iyon. Mas lalo pa siguro kung full time student ka.’’

Napangiti lang si Nicole.

“Kumusta naman ang trabaho mo sa gula-yan?’’

“Mabuti po. Yun nga po palang kaibigan ko na si Nina, gusto ring mag-aral. Sabi ko, simulan na niya. Mag-eenrol daw po siya next semester.’’

“Mahusay kang exam­ple, Nicole.’’

Napangiti lang uli si Nicole. (Itutuloy)

AHAS SA GARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with