Ahas sa Garden (383)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

“Ako na ang gagawa riyan, Nina,” sabi ni Nicole nang lapitan ang kaibigan. Halos matatapos na nito ang mga pinipitasang talong.

‘‘Tapos ka na agad kumain?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Huwag mong paba­bayaan na malipasan ka ng gutom. Kapag oras ng pagkain, kumain.’’

“Salamat sa paalala, Nina. Tunay kang kaibigan.’’

‘‘Kaya naman kita pinapayuhan ay dahil sa nang­yari kay Itay na nagpalipas ng gutom. Sa sobrang sipag ay kinakalimutan ang pagkain. Kaya nagka­sugat ang bituka at yun ang kinamatay. Dapat talaga kapag nakaramdam ng gutom, kumain agad. Kaya ako, pagnakaramdam ng gutom, kumakain agad ako.’’

“Tatandaan ko ang  mga sinabi mo, Nina.’’

“Kumusta naman ang pag-aaral mo, Nicole.’’

“Okey naman.’’

“Ano nga ang course mo?’’

“Business Management. Nasa second year na ako.’’

“Pagma-manage ng negosyo. Baka balang araw e ikaw na ang mag-manage ng farm na ito, Nicole.’’

“Ba’t mo nasabi, Nina?’’

“E ikaw lang ang manggagawa rito sa gulayan na magkakaroon ng titulo. Kaya ikaw na ang maa-ring mag-manage ng farm. Mabuti ka pa at nag-aaral.’’

“Ikaw, Nina, baka gusto mo ring mag-aral?’’

“High school lang ang natapos ko Nicole.’’

“Puwede namang mag-aral muli.’’

“E masyado na akong matanda para magkolehiyo malapit na akong mag-treinta.’’

“E ba’t ako, matanda na rin pero nagpilit ako.’’

‘‘Kasi naman, nasa se-cond year ka na.’’

“Makakaya mo ring mag-aral muli, Nina. Huwag mong sayangin ang panahon.’’

“Salamat sa payo Nicole. Pag-iisipan ko ang pag-aaral.”

‘‘Sige. Tutulungan kita sa mga assignment. Ano ba ang balak mong kuning course kung sakali.’’

“Katulad din ng course mo. Gusto ko ring mag-manage ng negosyo.’’

“Okey ‘yan. Makakaya mo ‘yan.’’

Isang araw ng Linggo, naisipan ni Nicole na dalawin si Alexis sa kamalig. Ipaglilinis niya ito para naman makabawi sa mga tinulong sa kanya. Gulat na gulat si Alexis sa pagdating niya. (Itutuloy)

AHAS SA GARDEN (383)
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with