^

True Confessions

Ahas sa Garden (382)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Kahit pagod si Nicole sa pagtatrabaho sa gulayan, masigla pa rin siya sa klase. Nakikiparticipate sa mga kaklase. Hindi niya ikinahihiya na siya ang pinakamatanda sa klase nila. Siya ang “ate” sa klase. Pero sa isip ni Nicole, ang mahalaga ay nakabalik siya sa school. Kailangang samantalahin niya ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ni Mang Alexis. Bihira ang mga taong pinagkakalooban ng pagkakataong mag-aral. Yung iba ay nagmamakaawa pa para lang makapag-aral. Kaya hindi niya sasayangin ang ganitong pagkakataon.

Pasado alas nuwebe na ng gabi kung makauwi siya sa inuupahang bahay. Pero kahit pagod na pagod, nagagawa pa rin niyang gawin ang mga homework. Tinatapos niya iyon sapagkat wala na siyang oras sa kinabukasan dahil mula 7:00 ng umaga ay magtatrabaho siya sa gulayan. Hanggang 4:00 ng hapon siya sa gulayan. Pagkatapos ng trabaho, mabilis siyang uuwi sa bahay at maliligo at saka mag­bibihis at tutungo na sa kolehiyo sa bayan.

Minsan, pinaalalahanan siya ng kasamahan at kaibigang si Nina na magpa-hinga naman dahil napa-kasipag sa trabaho.

“Magpahinga ka naman, Nicole. Kanina ka pa diyang umaga e mag-aala-una na. Kumain ka na ba?’’

“Tatapusin ko lang ito, Nina. Gusto ko kasi wala nang babalikan dito sa bahaging ito ng mga talong.’’

“Kumain ka muna. ‘Di ba may klase ka pa mamayang gabi? Baka magkasakit ka niyan.’’

“Oo may exam pa ako. Salamat sa paalala Nina.’’

“Kumain ka muna at ako muna riyan sa puwesto mo.’’

“Sige, Nina. Salamat ha? Napakabuti mong kaibigan.’’
“Okey lang yun.’’

Nagtungo si Nicole sa shade at binuksan ang kanyang baon at kumain. Habang kumakain, pinagmamasdan niya si Nina habang namimitas ng talong. Kailangang mapitas na ang mga talong dahil kukunin na ang mga ito ng truck na patungong Maynila.

Maya-maya pa, tapos na ang pagkain niya. Tinungo niya ang kinaroroonan ni Nina.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN (382)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with