Ahas sa Garden (381)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

INAYOS ni Nicole ang kanyang school records. Kumpleto ang kanyang mga transcript of records­ at hindi naman nakakahiya ang kanyang mga grades sapagkat matataas­ ang mga ito. Kung nagtu­luy-tuloy siya sa pag-aaral, baka nagtapos siyang cum laude. Dapat tapos na siya ng pag-aaral kung hindi namatay ang kanyang mama. Dati siyang nag-aaral sa isang unibersidad na nasa Recto Avenue.

Gusto man niyang ipagpatuloy ang pag-aaral noong namasukan siyang­ maid sa isang pamilya sa Tayuman, hindi na nag­karoon ng katuparan sapagkat ayaw siyang pa­yagan ng among lalaki. Gusto ay lagi siya sa bahay. ‘Yun pala, may masamang intensiyon sa kanya. Kaya pala kapag naliligo siya, pakiramdam niya ay may mga matang nakatingin sa kanya. Si­ni­silipan siya ng manyakis na amo. Sa ilang buwan na pagsisilbi niya sa bahay na iyon, napagsawaan siyang silipan ng manyakis na amo. Nang malaman niyang may masamang tangka, ipinasya niyang lumayas na roon.

Mayroong nag-alok na ipapasok siya sa trabaho pero yun pala, ipapasok siyang nude dancer sa isang KTV sa Sta. Cruz. Akala niya, ipapasok siyang se­c­retary sa isang kompanya, yun pala, paghububarin siya. Tumakas siya at napunta nga sa gate ng bahay ni Mang Alexis.

Napahinga nang mala­lim si Nicole habang ina­alala ang tagpong iyon. Hindi niya malilimutan ang gabing tinulungan siya ni Mang Alexis.

TINUPAD ni Alexis ang sinabi kay Nicole na bi­bigyan ito ng pang-tui­tion. Full payment ang pi­nabayaran sa kanya sa pinag-enrolang kolehiyo sa bayan.

Hindi malaman ni Nicole ang gagawing pagpapasalamat kay Alexis. Sabi pa ni Alexis, bibigyan din siya ng pambili ng libro at iba pang mga gamit.

Unang araw ng klase, masiglang-masigla si Ni­cole na pumasok. Exci­ted siya sapagkat pagkaraan nang maraming taon na pagkakahinto, muli siyang nakapagpatuloy sa pag-aaral.

Ipinangako niya sa sa­rili na pagbubutihin ang pag-aaral. Hindi mapapa­hiya si Alexis sa pagpapa­aral sa kanya.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with