Ahas sa garden (380)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

“MAY night classes na­man sa kolehiyo sa bayan kaya wala kang problema kung sakali, Nicole,” sabi ni Alexis sa seryosong tinig.

“Sa araw ay magta­­trabaho ka sa gula­yan­­ at sa gabi ay mag-aaral ka. Malapit lang naman ang patu­ngo sa bayan at 24 hours ang biyahe ng jeepney at traysikel.’’

“Mag-eenrol po ako, Mang Alexis. Talagang­ gustung-gusto ko pong makatapos ng kolehiyo.’’

“Kung wala ka pang pang-tuition ay bibigyan muna kita at saka mo na lang ako bayaran. Ang maha­laga ay makapag-enrol ka. Siyanga pala, dala mo ba ang mga school records mo?”

“Opo. Lagi pong nasa bag ko ang mga school records ko at mga ID. Mula po kasi nang i-de­molished ang aming­ barung-barong sa Maynila ay lagi ko nang dala ang aking mahahalagang do­­­kumento. Naisip ko po kasi na wala talaga akong permanenteng tirahan kaya dapat lagi kong dala ang aking mga records.’’

“Tama ang ginawa mo. So, wala ka na pa­lang problema kung mag-e­enrol ngayong semester.’’

“Ipapangako ko po Mang Alexis na mag-aaral na mabuti para hindi masayang ang pagtulong mo sa akin.’’

“Nakikita ko naman­ na talagang gusto mong mag-aral. Hindi katulad ng iba na pinag-aaral na ng kanilang magulang pero walang ginagawa kundi mag­lakwatsa. Sinasayang ang panahon. Hanggang sa magsisi sila sa dakong huli dahil hindi sila nag-aral.’’

“Hindi ako tutulad sa kanila, Mang Alexis.’’

“Good.’’

SINIPAGAN pa ni Nicole ang pagtatrabaho sa gulayan. Lalo siyang na-inspired na magtrabaho dahil sa nalalapit na pag-aaral. Marami pa siyang pi­­napangarap para lalong magtagumpay sa buhay. Lahat iyon ay magkakaroon ng katuparan kapag nakatapos siya ng kolehiyo.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with