Ahas sa Garden (379)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2020 - 12:00am

“Meron ka ng mga gamit dito sa bahay mo gaya ng kalan, kaldero at plato?’’ Tanong ni Alexis.

“Meron na po. Pinahiram ako ni Ate Minda. Pero sa sahod po ay bibili na ako ng sarili kong gamit.’’

“Etong mga sopa?’’

“Kay Ate Minda po. Dati na pong narito ang mga ‘yan?’’

“Ang higaan mo?’’

“May spring bed po sa kuwarto. Wala lang kutson­. Pero puwede namang isapin ang banig.’’

“Merong kutson sa ka­malig. Dadalhin ko rito ma­maya. Masakit sa likod ang spring bed. Baka magsugat ang likod mo.’’

“Naku hindi po. Okey lang po sa akin. Sa Maynila nga po ay sa sahig ako natutulog. Sanay po akong matulog kahit walang sapin.’’

“Basta dadalhin ko rito mamaya ang kutson. Hindi naman ginagamit ang kutson dun sa kamalig.’’

Hindi na tumutol si Nicole at baka magtampo si Alexis.

“Kumusta naman ang trabaho mo sa gulayan?’’

“Maayos na maayos po. Mababait po ang mga kasamahan ko at tinuturuan ako sa tamang pagpitas ng gulay. Hindi ko nga po namamalayan ang pagdaan ng oras.’’

“Hindi ka naman nahihirapan?’’

“Naku hindi po! Madali lang naman po ang magpitas ng gulay lalo ang talong. Kayang-kaya po!’’

“Mabuti naman at kuntento ka sa trabaho mo. Mahalaga kasi na naliligayahan sa trabaho. Mayroon kasi na napipilitan lang sa pagtatrabaho.’’

“Naku maligaya po ako sa trabaho ko. Mas ma­ganda pong magtrabaho sa gulayan kaysa magpaalila sa Maynila na minamanyak ng among lalaki. Hindi ko po ipagpapalit ang trabaho ko rito, Mang Ale­xis. Salamat nang marami sa nagawa mong tulong.’’

“Walang anuman, Nicole. Siyanga pala, ‘di ba gusto mong magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo? Nasa second year ka na sa Business Management ‘di ba?’’

“Opo.’’

“Mag-enrol ka ngayong­ pasukan sa kolehiyo sa bayan. Sayang kung hindi ka makakatapos.’’ Tu­wang-tuwa si Nicole.

“’Yan nga po ang balak ko Mang Alexis. Gusto ko pong makatapos sa pag-aaral!’’

“Sige mag-enrol ka. Ka­yang-kaya mo ‘yan.’’

(Itutuloy)

AHAS SA GARDEN (379)
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with