Ahas sa Garden (377)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2020 - 12:00am

KINABUKASAN, maagang­ nagbihis si Nicole para magtungo sa gulayan. Unang araw ng trabaho niya sa gulayan kaya dapat maaga siya. Pero mas maaga palang nagi­sing si Minda at tinawag siya nito. Nagulat si Nicole nang marinig ang tawag mula sa labas ng bahay.

Nang buksan niya ang pinto, nakita niya si Minda na may dalang pagkain sa tray.

“Kumain ka muna, Nicole. Dinagdagan ko ang luto dahil wala ka pang gamit dito. Kumain ka na dahil baka magutom ka habang nagpipitas ng gulay.’’

Inabot ni Nicole ang tray ng pagkain.

“Maraming salamat Ate Minda. Mababayaran din kita.”

“Huwag mong isipin ‘yun. Pagkatapos mong kumain ay maghanda ka na at sasamahan kita sa gulayan. Ituturo ko sa’yo ang mga gagawin.’’

“Opo Ate.’’

Kumain si Nicole. Fried rice with egg at beef tapa ang almusal. May kasama pang mainit na kapeng ba­rako. Ang sarap! Talagang masarap mamuhay dito sa probinsiya.

Pagkatapos kumain, nag­pahinga lang ng dalawang minuto at lumabas na siya ng bahay para daanan si Manang Minda.

Tamang-tama na palabas na ng bahay si Mam Minda.

“Nabusog ka ba Nicole?’’

“Opo Ate. Napaka­sarap!’’

“Salamat.’’

Niyaya na siya ni Minda sa gulayan at itinuro ang mga gagawin niya.

Matapos siyang turuan, umalis na si Minda.

Marami agad siyang naging kaibigan sa gula­yan. Pawang mababait ang mga tauhan.

Makalipas ang ilang araw, isang Sabado na walang pasok si Nicole, ang paglilinis naman ng bahay ang kanyang hinarap.

Habang naglilinis, na­darama niya na magiging­ maayos ang buhay niya rito sa probinsiya. Mas ma­ganda ang kinaroro­onan niya ngayon kum­para sa kanyang buhay sa Maynila na napaka-salimuot.

Mabuti na lang at nakilala niya si Mang Alexis na nagturo kung paano ma­papabuti ang buhay.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with