^

True Confessions

Ahas sa Garden (344)

Pilipino Star Ngayon

Sinamahan ni Alexis si Franco sa public ceme­tery na kinalilibingan ng kapatid na si Brenda.

“’Yan ang libingan ni Ate Brenda mo.’’

Hindi napigilan ni Franco na mapaluha nang makita ang libingan ng kapatid. Matagal na katahimikan ang namayani bago nagsalita si Franco na may garalgal pa sa boses.

“Matagal kong hinanap dito sa Maynila si Ate, Sir Alexis pero hindi ko siya matagpuan. Dalawang taon na ako rito sa Maynila pero walang makapagsabi sa akin kung nasaan siya.’’

“Galing ka ng probinsiya?’’

“Opo.’’

“Mayroon pa kayong mga magulang?’’

“Wala na po. Namatay ang mga magulang namin nang magkaroon nang ma­lakas na bagyo sa aming probinsiya. Hindi na namin nakita ang bangkay nila.’’

“Sino ang kumupkop sa inyo ni Brenda?’’

“’Yung pong kamag-anak namin na babae. Pero masama po ang nangyari, dahil minaltrato kami. Sobrang hirap. Ang masama pa, pinagsamantalahan si Ate Brenda ng asawa ng kamag-anak namin. Labingwalong taon lamang si Ate Brenda nang galawin ng hayop na lalaki. Maganda kasi si Ate kaya nademonyo ang asawa ng aming pinsan.’’

Hindi agad nakapagsalita si Alexis sa sinabi ni Franco.

“Anong nangyari pagka­tapos siyang gahasain?’’

“Naglayas kaming magkapatid. Sabi ni Ate, magtungo kami rito sa Maynila. Kailangan daw makalayo kami sa bahay ng aming kamag-anak bago pa maulit ang panggagahasa.’’

“Hindi na ninyo isinumbong ang ginawang panggagahasa kay Brenda?’’

“Isinumbong namin sa pinsang babae pero si Ate pa ang pinagmumura at si­nabihang malandi. Hindi na kami kumibo at ipinasya ni Ate na lumayas na kami. Bahala na raw. Basta ang mahalaga, makaalis na kami sa bahay na iyon.’’

“Anong nangyari pagkatapos?’’

“Nang nasa pier na kami at sasakay na sa barko, nagkahiwalay kaming magkapatid. Hindi ko malaman kung bakit napahiwalay ako kay Ate. Siguro’y dahil sa sobrang dami ng tao na sasakay sa barko. Hinanap ko nang hinanap si Ate pero hindi ko makita. Hanggang sa makita ko na lamang  na paalis na ang isang barko patungong Maynila. Iyak ako nang iyak dahil alam ko, nasa barkong iyon si Ate Brenda. Iyon ang huling pagkikita na­ming magkapatid.’’

“Anong ginawa mo?”

“Nakituloy ako sa bahay ng isang matanda na nakilala ko sa pier.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN (344)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with