Ahas sa Garden (343)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

ILANG buwan ang nakaraan, abala si Alexis sa kanyang opisina sa Maynila para sa mga bagong ka-transaction na restaurant at hotel nang may isang la­laking dumating. Nasa 25-anyos marahil ang lalaki. Mukhang mabait.

“Sir, ikaw po ba si Alexis?’’

“Oo. Ano ang sadya mo sa akin?’’

“Kapatid po ako ni Brenda. Ate ko po siya.”

Pinagmasdan ni Alexis ang lalaki. Kahawig nga ni Brenda.

“Matagal ko na po kayong hinahanap mula nang mapatay si Ate. Ang agent po ng PDEA na si Sgt. Diaz ang nag­sabi sa akin ukol sa’yo. Hinanap ko rin ang bang­kay ng ate ko, pero sabi ng punerarya ikaw po ang tumubos. Gusto ko pong magpasalamat sa iyo, Sir Alexis at pinali­bing mo ang ate ko.’’

Hindi makapagsalita si Alexis. Mukhang nagsa­sabi ng totoo ang lalaki.

“Anong name mo?’’

“Franco po.’’

“Saan ka nakatira?’’

“Sa Tatalon po.’’

Napatangu-tango si Alexis.

“Gusto ko pong ma­laman kung saan nakalibing si Ate. Parang awa mo na po Sir Alexis.’’

“Sige, pupuntahan natin ang kinalilibi­ngan­ niya.’’

“Marami pong sa­la­mat, Sir Alexis. Kahit man lang libingan niya, makita ko.’’

(Itutuloy)

ALEXIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with