Ahas sa garden (342)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2019 - 12:00am

MAKALIPAS ang ilang araw makaraang mailibing si Brenda, hindi inaasahan ni Alexis ang pagtawag ni Manang mula Australia. Alam na nito ang pagkakapatay kay Brenda.

“Napatay pala si Brenda, Alexis? Napanood ko ang balita sa TV.”

“Opo, Manang,’’ sagot ni Alexis na tila nag-aala­ngan. Mabuti pala at wala pang media ng mga sandaling nakikiusyuso siya sa bangkay ni Brenda, kundi ay nahagip siya ng camera at napanood nina Manang.

“Naging drug courier­ pala ang babaing yun ano? Grabe ang nangyari. Nagpakasama-sama na. At bukod dun, siya rin pala suspect sa pagpatay sa isang casino financier. Killer na ay drug pusher pa.’’

“Oo nga po.’’

“Nasaan na kaya ang bangkay ng babaing ‘yun?’’
Hindi na pinagtapat ni Ale­xis na siya ang tumubos sa punerarya ng bangkay ni Brenda at pinalibing na ito.

“Hindi ko po alam, Ma­nang. Sa TV ko rin po nalaman ang tungkol sa kanya.’’

“Baka nasa punerarya pa ano? Wala namang ka­mag-anak ang tutubos sa babaing yun dahil ikinahihiya. Kapag hindi siya natubos sa punerarya, tiyak na ibebenta yun sa medical school para pag-aralan.’’

“Nasaan po ba ang mga magulang ni Brenda, Manang?’’

“Hindi ko alam. Basta dumating na lang siya sa mansion kasama si Sir Nath. Wala namang ikinukuwento si Sir Nath ukol sa babaing yun.’’

“Alam po ba ni Sir Nath na patay na si Brenda?’’

“Hindi. Wala kasi sila rito ngayon ng mga anak niya. Nasa Europe tour sila. Ako lang ang narito sa bahay.’’

“Sabagay wala nang paki si Sir Nath kay Brenda, ‘di ba Manang?’’

“Oo. Nalimutan na niya ang babaing iyon na sumira rin sa buhay niya noon.’’

“Wala na kayang ka­mag-anak dito sa Maynila si Brenda?’’

“Huwag mo na ngang intindihin yun, Alexis. Patay na siya at tapos na ang problema ukol sa kanya. Marami na siyang piner­wisyo, lalo na ikaw na muntik na niyang mabiktima. Mabuti na lang at nakapag-isip ka at hindi naligaw ng landas. Maganda na ang buhay mo ngayon kaya huwag mo nang pag-aksayahan ng panahon ang isang namatay na. Tapos na ang kuwento ni Brenda.’’

“Oo Manang. Salamat sa payo.’’

“Sige, Alexis. Ingat ka at sana magtagumpay ka pa.’’

“Salamat, Manang.’’

(Itutuloy)

AHAS SA GARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with