Ahas sa Garden (341)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

ANG nangyari kay Brenda ay hindi rin agad nawaglit sa isipan ni Alexis. Kahit paano, nagkaroon sila ng ugnayan ni Brenda at nilason pa nga nito ang isipan niya. Kung patuloy siyang nakinig sa pang-uudyok ni Brenda noon, baka kasama rin siya ni Brenda ngayon sa hukay.

Nasadlak pala sa masamang gawain si Brenda, base sa pag­kukuwento sa kanya ng PDEA agent na na­kapatay dito. Matagal­ na palang nasa drug-list si Brenda at ang ka­sama nitong nagnga­­ngalang George. Noon pa ay sinu-sinur­veilance na ito pero madulas kaya hindi ma­huli.

Si Brenda rin ang pumatay sa isang casino financier na ang bangkay ay itinapon sa isang ilog sa Indang­, Cavite.

Nalulong din ito sa casino, ayon sa PDEA agent. Araw-araw na naglalaro sa casino at madalas matalo. Ang pagkaubos ng pera ang naging daan para luminya ito sa droga kasama si George.

Ganun na lamang ang pasalamat ni Alexis sapagkat niligtas siya ng Diyos. Inilayo siya kay Brenda kaya ta­mang landas ang napuntahan niya. (Itutuloy)

ALEXIS BRENDA PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with