Ahas sa Garden (339)
(Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2019 - 12:00am

“Ikaw yung nababasa ko sa newspaper na nagbibigay ng libreng seminar para sa organic farming. Kilala kita Sir Alexis,” sabi ng PDEA agent na biglang kinamayan si Alexis. Hindi naman makapagsalita si Alexis sa pagkagulat na marami na pala ang nakakakilala sa kanya.

“Minsan dadalo ako sa seminar mo Sir Alexis’’

“Sure. Next week may seminar ako na gagawin dito sa May­nila. Hanapin mo sa internet ang iba pang detalye. Free se­minar yun.’’

“Salamat Sir. Ting­nan mo nga naman ang pagkakataon at dito pa kita makikilala. Sige Sir, aasikasuhin pa namin ang report tungkol sa napatay na­ming drug suspect.’’

Umalis na ang PDEA agent.

Maya-maya, nakita ni Alexis na binuhat na ng mga tauhan ng funeral parlor ang bangkay ni Brenda para isa­kay sa kanilang ambulansiya.

Malalim ang iniisip ni Alexis. Tiyak na walang aangkin sa bangkay ni Brenda. Maski marahil ang mga kamag-anak nito kung meron man ay hindi ito aangkinin dahil sa nakakahiyang ginawa  na bukod sa drug courier ay killer din.

Napahinga nang ma­­lalim si Alexis.

Isang pasya ang mabilis niyang binuo­. Kung wala nang aang­­kin kay Brenda, siya na ang aangkin dito. Tutubusin niya ito sa punerarya at ipalilibing nang maayos. Hindi na niya ito ipaaalam kahit ka­nino.

(Itutuloy)

AHAS SA GARDEN (339)
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with