Ahas sa garden (338)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

HINDI maaaring magkamali si Alexis, si Brenda nga ang babaing napatay ng mga pulis. Kahit matagal na silang hindi nagkikita ni Brenda, hindi niya malilimutan ang ma­ganda nitong mukha. Bakit nasadlak sa ganito si Brenda.

Lumapit ang isa sa mga PDEA agents sa bangkay. Pinagmasdan iyon. At saka napansin si Alexis.

“Ikaw ba yung tinata­wag kanina ng babaing ito, Sir?’’

“Oo ako nga po.’’

“Kilala mo ang babaing ito?’’

“Dati siyang ka-live in ng boss ko noon – ilang taon na ang nakalilipas.’’

Napatangu-tango ang agent.

“Nasa drug list namin ang babaing ito. Matagal na­ming sinurveillance pati ang kasama niyang si George at ngayon lang namin natiyempuhan. Ang babae ring ito ang killer ng casino financier na si Jambo na natagpuan ang bangkay sa Indang. Bigatin ang babaing ito --- tagadeliber ng ecstacy at heroine. Malakas kumita. Bawat deliber ng ecstacy, milyon ang kaparte.’’

Gimbal si Alexis sa nalaman.

“Tama ba na Brenda ang name ng babaing ito, Sir.’’

“Opo.’’

“Brenda ano?’’

“Hindi ko po alam.’’

“Ang ka-live-in ng babaing ito – yung boss mo dati, may kontak ka pa ba?’’

“Wala na Sir. Nasa Australia na po yata ang boss ko dati.’’

“I see.’’

Nang lumapit ang SOCO sa bangkay, lumayo sina Ale­xia at PDEA agent. Patuloy siyang tinanong.

“Mga gaano ka katagal naglingkod sa boss mo?’’

“Mga isang taon din Sir.’’

“Tapos umalis ka na sa kanila?’’

“Opo.’’

“Paano naman naghiwalay ang boss mo at ang babae?’’

“Iniwan po ni Brenda ‘yung boss ko. Tapos, nagtungo na sa Australia ang boss ko. Hanggang dun na lang po ang nalalaman ko sa buhay ni Brenda. Nagulat nga po ako nang makita siya ngayon.’’

“Madalas sa casino ang babaing ito. Lagi itong nagla­laro riyan. Katunayan, diyan sa galing sa loob ng casino.’’

“Galing din ako sa casino. May transaksiyon kasi ako riyan.’’

“May business ka Sir diyan sa casino.’’

“Supplier ako ng vegetable at fruits sa mga casino.’’

“Ah ikaw pala si Sir Alexis!”

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with