^

True Confessions

Ahas sa Garden (337)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKAILAG ang dalawang PDEA agents sa bugso ng mga bala mula sa baril ni Brenda.

Nagkubli sila sa haligi. Nang tangkain ng isa na sumilip sa kinaroroonan ni Brenda, humaging ang bala sa kanyang mukha. Muntik na siya! Ga-buhok.

Sapat ang ginagawang pamamaril ni Brenda para gumanti ang agents. Ka­ilangan nilang ipagtanggol ang sarili. Kung hindi nila gagawin iyon, sila ang mamamatay. Sila na taga­pagpatupad ng batas ang tatanghaling bangkay. Ganoong sitwasyon, ang batas ang mananaig.

Sumenyas ang isang PDEA sa kasama. Pauulanan nila ng bala ang kalaban.

Sa isang iglap, bumuga ng apoy ang kanilang mga baril patungo sa direksiyon ni Brenda. Sunud-sunod na mga putok. Walang sablay.

Sapol na sapol si Brenda. Pawang sa katawan ang tama nito.

Nang mahawi ang usok ng pulbura, nakahandusay si Brenda. Hindi na nakaalis sa lugar.

Hindi muna lumapit ang dalawang agents. Sinisi­guro nilang patay na ang ka­laban.

Nang matiyak na patay na, saka lumapit ang mga ito at pinagmasdan ang katawan ni Brenda.

Saka may tinawagan sa cell phone ang isa sa agents. Scene of the crime operatives (SOCO) ang tina­wagan.

Maya-maya pa, narinig ang pagdating ng police car at ambulansiya. Walang tigil ang serena. Wangwang nang wangwang.

Marami agad ang mga taong nag-usyoso.

Isa sa mga nakiusyoso si Alexis. Kanina, kitang-kita niya kung paano nagtatakbo ang babae maka­raang makahulagpos sa dalawang PDEA agents. At ang labis niyang ipinagtataka, bakit kilala siya ng babaing hinabol ng mga agents.

‘Yun ang dahilan kaya makikiusyoso siya ngayon­. Gusto niyang malaman kung sino ang babae. Bigla siyang kinutuban.

Nakisiksik siya sa mga taong nag-uusyoso. Gusto niyang makalapit sa bangkay ng babae bago pa ito takpan o kaya’y dalhin ng ambulansiya.

Nang makalapit siya sa babae at mapagmasdan, hindi siya makapaniwala. Si Brenda ito!

(Itutuloy)

vuukle comment

ALEXIS

BRENDA

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with