_ngayon
^

Ahas sa Garden (329)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2019 - 12:00am

ITINIGIL ni George ang sasakyan ilang hakbang bago tumawid ng tulay. Madilim ang lugar. Walang mga bahay. Wala ring dumaraang mga sasakyan.

“Dito na ba, George?’’

“Oo. Dito ang tapunan. Yang sapa na yan, marami nang ibi­nagsak diyan!’’

“Ibaba natin ang hayop!’’

Pinagtulungan ni­lang­ ibaba si Jambo. Saka lamang ito nag­kamalay nang ibina­baba na nila. Iginalaw-galaw ang ulo.

Ibinaba nila sa da­muhan sa gilid ng kal­sada.

Inalis ni Brenda ang tali sa paa.

“Ba’t mo inalis? Baka makatakas yan e lagot tayo.’’

“Hayaan mong tumakas.’’

Napangisi si George.

Hanggang sa magi­sing nang tuluyan si Jambo.

Inalis ni Brenda ang busal sa bibig at ang piring.

Pupungas-pungas si Jambo. Hindi maidilat ang mga mata sapagkat tila nasisilaw kahit wala namang ilaw.

Hanggang sa ma­kilala nito si Brenda.

“Brenda?’’

“Kilala mo pa pala ako hayop ka!’’

“Brenda anong ga­gawin n’yo sa akin?’’

“Ano sa palagay mo ang ginagawa sa taong nambugbog at nag­nakaw?’’

“Huwag Brenda, iba­­balik ko na ang ki­­nuha ko. Parang awa n’yo na.’’

“Hindi ko na kaila­ngan ‘yun.’’

“Parang awa mo na Brenda!”

“Pagbibigyan kita. Sige, tumakbo ka na! Bilisan mo!’’ Sabi ni Brenda habang da­han-dahang binubunot ang baril sa likuran.

Tumakbo si Jambo patungo sa direksiyon­ ng tulay.

Nang nasa tulay na ito, binaril ni Brenda ng lang beses. Bu­magsak si Jambo.

Nilapitan ni Brenda at binaril uli para ma­kasiguro. Saka tina­wag si George.

“Ihulog natin.’’

Inihulog nila sa sapa na pawang bato ang nasa ibaba.

“Ihulog din natin ang kotse!” sabi ni Brenda.

Inihulog nila ang kotse. (Itutuloy)

GEORGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with