Ahas sa garden (322)
“AKALA ko ba may utang sa iyo si Jambo, Bren? Ako ang maningingil para sa iyo. Malakas ka sa akin eh!’’ sabi ni George habang pinagmamasdan nila sa di-kalayuan si Jambo. Walang kamalay-malay si Jambo na natunton na siya ni Brenda at meron itong binabalak.
“Huwag muna ngayon, George. Ikaw ang maniningil kay Jambo pero sa ibang araw na.’’
“Sabihin mo lang Bren kung kailan. Bagyo ka sa akin eh. Basta maganda, malakas sa akin.’’
“Binobola mo ako George.’’
“Hindi, Bren. Nagsasabi lang ako ng totoo.’’
“Gusto mo ako, George?’’
Napangiti lang si George.
“Hindi ka nagsasalita e di gusto mo ako.’’
“Cute ka kasi, Bren.’’
“Cute lang?’’
“Maganda at sexy ka.’’
“Mahusay ako sa bed, George.’’
Napangiti uli si George. Hindi niya inaasahan ang kaprangkahan ni Brenda.
“Gusto mong masubukan, George?’’
Namula si George.
“Tena sa condo ko.’’
“Paano si Jambo?”
“Saka na lang ang hinayupak na ‘yan. Tena na George.’’
Tuwang-tuwa si George habang lumalabas sila sa casino. Suwerte yata siya ngayong araw na ito dahil kusang lumapit ang grasya.
Nang makarating sa condo, pinatunayan ni Brenda kay George na mahusay siya sa labanan. Beterana siya nang maraming digmaan. Wala siyang kapaguran. Siya ang nakihamok nang nakihamok.
At sa huli, napatunayan ni George na kakaiba si Brenda. Ngayon lang siya nakatagpo ng ganito.
Kinabukasan, nasa paborito uli silang restawran. Doon sinabi ni Brenda kay George ang plano kay Jambo.
“Gusto kong makaganti kay Jambo. Patayin mo siya George!”
(Itutuloy)
- Latest