^

True Confessions

Ahas sa Garden (320)

Pilipino Star Ngayon

Ginawa ni Brenda ang iniutos ni George na pagde­deliber sa malaking epektos. Iyon ang pinakamala­king nai­deliber niya na nagkakahalaga ng P20 milyon. Galing US ang ecstasy at naipasok sa bansa ng mga courier na Nigerian. Malaki rin ang ibinayad sa kanya ni George.

Sa restaurant uli na malapit sa casino sila nagbayaran.

‘‘Paldung-paldo ka na Bren. Sa sunod na deliber mo mas malaki pa riyan ang tatanggapin mo.’’

‘‘Gaano kalaki ?’’

‘‘2-M.’’

Napalunok si Brenda.

‘‘Ecstacy ulit?’’

‘‘Nope!’’

‘‘Ano?’’

Inilapit ni George ang bibig sa taynga ni Brenda. Ibinulong.

‘‘Heroine.’’

‘‘Kailan idedeliber?’’

“Wait ka lang. Nasa laot pa. Pina­anod mula sa barko.’’

Napatango si Brenda.

Nang may maaalala si George.

“Kailan tayo magka-casino para maituturo ko sa’yo si Jambo.’’

‘‘Sasabihin ko sa’yo.’’

‘‘Okey, Bren.’’

Isang balak ang naisip ni Brenda laban kay Jambo. Ipapapatay niya ito kay George. Siya naman ang mag-uutos kay George. Makakaganti na siya kay Jambo!

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with