Ahas sa Garden (319)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

TINANONG ni Brenda si George kung may kilala itong Jambo sa casino.

Nag-isip si Jambo.

“Meron. Financier yun. Malakas kumita. Ba-kit mo naitanong Bren?’’

“May utang sa akin.’’

“Malaki?’’

“Milyon.’’

“Nagkakautang din pala si Jambo. Maraming pera yun.’’

“Nakikita mo siya riyan sa casino?’’

“Dati. Ewan ko nga-yon. Matagal na rin akong hindi nakakapasok diyan dahil busy ako sa epektos. Pero siguro nandiyan yun dahil financier nga. Malakas kumita si Jambo.’’

“Sige saka na lang natin siya pag-usapan. Nasaan ang epektos na idedeliber at saka ang TF ko.’’

“Naks TF na ang tawag mo sa iyong komisyon ha.’’

“Talent din ang pagdedeliber ‘di ba?’’

“Okey ka Bren.’’

“Nandun sa kotse ang epektos at pera. Masyadong bulky kapag ipinasok ko rito. Baka maamoy ng aso e maletse tayo.’’

“Magkano ang TF ko?’’

“Five hundred thou.’’

Napatango si Bren.

“Yung kalahati kapag nadeliber mo na.’’

“Bakit ‘di mo pa binuo, sure namang madedeliber.’’

“’Yun ang sabi sa itaas. Huwag kang mag-alala at sure ball ito.’’

“Okey tayo na.’’

“Mamaya-maya. Masyadong maaga pa. Hintayin nating dumilim. Baka may makaamoy sa atin.’’

Natahimik si Brenda. Tinanaw muli ang casino.

Saka tinanong si George.

“Sure kang madalas diyan si Jambo?’’

“Oo. Hindi ko lang alam ngayon dahil nga mahigit isang buwan na akong hindi naglalaro.’’

Napahinga si Brenda.

“Ang lalim ng hugot mo ah,” sabi ni George.

Hindi nagsalita si Brenda.

“Kung gusto mo maglaro tayo pagkatapos na mai-deliber itong epektos. Tutal, paldung-paldo ka. Ituturo ko sa’yo kung saan ko nakita si Jambo.’’

“Sige. Pero huwag kang magpapahalata na siya ang sadya natin. Gusto ko hindi niya malaman na natunton ko na siya.’’

“Areglado.’’

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with