Ahas sa Garden (318)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2019 - 12:00am

NAGKITA sila ni George sa isang Chinese restaurant na malapit sa casino na pinaglalaruan niya noon. Tanaw sa bintana ang casino.

Nasa restaurant na si George nang dumating si Brenda. Naka-order na ito ng Hainanese chicken­, canton, chopsuey at lum­piang shanghai.

“Kumain ka muna Bren, marami tayong pag-uusapan tungkol sa idedeliber mong epektos mamayang gabi.’’

“Gaano karami ang pag-uusapan natin?’’

“Basta marami kaya ku­main ka muna.”

Sumandok ng kaunting­ kanin si Brenda saka pumi­raso ng fried chicken at ku­mutsara ng chopsuey.

Nagsimula itong kumain.

Nakatingin naman si George.

“Ang ganda mong ting­nan kapag ngumu­nguya, Bren.’’

Umirap si Brenda at ipinagpatuloy ang pagkain.

“Kumusta ang unit ng condo mo?’’ tanong ni George.

“Okey naman.’’

“Nakakatulog ka na nang mahimbing.’’

Tumango si Brenda.

Matapos kumain, sinabi na ni George ang mga ga­gawin ni Brenda sa pagdedeliber ng ecstacy.

“Marami ang idedeliber mo mamaya. Malakihan ito, worth P20-M! Malaki rin ang mapapasaiyo rito kapag na­ideliber mo nang maayos.’’

“Magkano ang sa akin?’’

“One million!’’

Napatango si Brenda.

“Bagong dating kasi mula Tate ang epektos at kailangan ay madispatsa na agad.”

“Kayang-kaya ko ‘yan.’’

“’Yan  ang gusto ko sa’yo Bren.’’

Tapos nang kumain si Brenda.

Hanggang sa matanaw niya sa bintana ang casino.

“Diyan ako dati nag­lalaro sa casino na ‘yan. Marami akong naubos na pera diyan.’’

“Puwede ka na uli mag­laro d’yan kapag nadeliber mo ang epektos. Madalas din ako diyan. Batang casino rin ako.’’

Napangiti si Brenda.

Bigla, mayroon siyang naisip.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with