Ahas sa garden (316)
Ronnie M. Halos (Philstar.com) - November 14, 2019 - 12:00am

KUMATOK si Brenda sa Unit 513. Walang nagbubukas ng pinto. Inulit niya ang katok. Maya-maya, may narinig siyang klik sa loob. Bahagyang umawang ang pinto. Madilim sa loob pero naaninag niya na isang lalaki ang nagbukas.

Instruksiyon ni George sa kanya, basta iabot ang ecstacy at alam na iyon. Dinukot niya ang ecstacy sa bag at iniabot sa nasa likod ng pinto. Kasyang-kasya sa awang ng pinto ang kontrabando.

Nang makuha ng nasa loob ang iniabot niya, mabilis na isinara ang pinto. Tapos na ang misyon niya!

Nagmamadaling umalis si Brenda.

Ganun lang kadali at pera na!

KINABUKASAN, nagkita uli sila ni George sa restaurant. Nauna uli si George sa lugar. Nakaorder na ito ng pagkain.

“Kumain ka muna, Bren. Palagay ko gutom ka na.’’

“Hindi pa. Akinang pera ko.’’

“Kumain ka muna habang­ inihahanda ko. Mas masarap tumanggap ng pera kapag maraming laman ang tiyan.’’

Naglagay ng fried rice sa plato si Brenda. Kumutsara ng sweet and sour pork at nagsimulang kumain.

“Tikman mo ‘yang spicy fried pusit at masisiyahan­ ka, Bren. Maanghang. Gaganahan ka.’’ Tuminidor ng pusit si Brenda. Kinagat. Maanghang nga.

“Sarap ano?’’

Tumango si Brenda.

“Maganda ka pala ka­pag kumakain, Bren.’’ Tu­­migil sa pagkain si Brenda at dinampot ang basong may tubig. Uminom.

“Huwag mo na akong bolahin, ilabas mo na ang pera ko at pati epektos.’’

Napangisi si George.

“Atat ka na ha,” sabi at kinuha sa body bag ang pera at epektos. Iniabot ang sobre ng pera kay Brenda. “Yan ang kalahati, walang labis, walang kulang.’’

Kinuha ni Brenda.

“Eto naman ang idedeliber mo mamaya sa isang party sa Pasay. Madali lang, Bren.’’

“’Asan ang bayad para diyan?’’

“Wise ka talaga, Bren.’’

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with