Ahas sa Garden (315)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

“SA gabi mo ideliber ang ecstacy – mga alas nuwebe. Yun ang simula ng party ng mga estudyante,” sabi ni George.

“Okey alam ko na. Akina ang pera at ang ide­deliber.’’

“Teka muna at marami pa akong sasabihin. Baka hindi mo madeliber ng on time, mabulilyaso tayo.’’

“Hindi ako nahuhuli sa usapan. Pagsinabing alas nuwebe, alas nuwebe.’’

“Good. Pero ang pagpunta roon baka ka maligaw.’’

“Kabisado ko ang Malate. Nagtrabaho ako sa isang kompanya roon.’’

“Okey sige,” may ki­nuha si George sa kanyang body bag. Nasa sobre at saka isang supot na kulay asul. Ipinatong sa mesa. “Ayan, Bren, yung nasa sobre, pera yung nasa supot na asul ang idedeliber mo.’’

Kinuha ni Brenda ang nasa supot na asul at inilagay sa bag. Pagkatapos ay ang sobre. Binuksan ang sobre. Pawang tig-iisang libo.

“Magkano ito?’’

“Fifty thou. Yung kalahati kapag nadeliber mo na.’’

Isinilid na ni Brenda ang sobre sa bag at akma nang tatayo.

“Teka magkuwentuhan pa tayo. Atat ka namang umalis.’’

“Ano pang sasabihin mo?’’

“Saan ka ba nakatira rito?’’

“Sa pangalawang kanto mula rito.’’

“Nangungupahan ka?’’

“Oo.’’

“Pagmarami ka nang nadeliber, sa condo ka na titira. Tiyak mainit sa tirag­han mo.’’

Napatango si Brenda.

“May alam akong condo na mauuupahan sabihin mo lang.’’

“Sige.’’

“Hindi bagay sa beauty mo ang maliit na kuwarto at mainit pa. Dapat sa malamig at maayos na kuwarto.’’

Umakmang tatayo na si Brenda.

“Aalis na ako. Basta mamayang gabi, deliber na ito. Ihanda mo ang kalahati ng pera.’’

“Walang problema.’’

Nauna nang umalis si Brenda.

Kinagabihan, dakong alas otso ng gabi, umalis na si Brenda sa inuupahang kuwarto. Nagtaksi siya patungong Malate.

Mabilis niyang nakita ang condo na sinasabi ni George.

Tinungo niya ang fifth floor. Nakita agad niya ang unit.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with