Ahas sa garden (313)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2019 - 12:00am

“PAYAG ka na Bren?’’ tanong ni George kay Brenda nang tumango ito.

“Teka iisipin ko muna.’’

“’Kala ko okey na. Tumango ka kasi.’’

“Iisipin ko muna. Baka delikado yan.’’

“Hindi ito delikado. Kailan ko malalaman ang sagot mo?’’

“Bukas.’’

“Saan tayo magkikita?’’

“Dun sa malapit sa tinitirhan kong kuwarto sa Bustillos.’’

‘‘Saan dun?’’

‘‘Sa restawran na malapit sa simbahan. Madaling makita ang restaurant dahil nag-iisa ‘yun.’’

“Anong oras tayo magkikita?’’

“Twelve. Lunch time.’’

“Sige. Masarap bang ulam sa restaurant na yun.’’

“Oo. Masarap ang fried chicken at chopsuey dun.’’

“Pakakainin kita nang marami para puma­yag ka sa iniaalok ko.’’

“Basta malaman mo bukas ng tanghali kung payag ako.’’

“Okey Bren. Palagay ko papayag ka dahil ma­bilis lang ang ipagagawa ko sa’yo.

“Walang sabit yan ha?’’

‘‘Wala.’’

‘‘Sige magkita tayo bukas.’’

Kinagabihan, pinag-isipang mabuti ni Brenda kung papa­yag sa alok ni George. Napakalaki ng kikitain niya sa pagdedeliber ng ecstacy. Thousands of pesos ayon kay George.

Madali siyang ma­kakabangon sa kinalalagyan kung araw-araw ay kikita siya ng ganoon kalaki. Imagine, thousands of pesos ang kanyang kikitain sa bawat pagdedeliber. Baka isang taon lang ay makapag-ipon siya nang malaki at balik uli siya sa magandang buhay.

Tatanggapin niya ang alok ni George! Bukas, sa pagkikita nila, sasabihin niya kay George na payag siyang magdeliber ng ecstacy.

Saan kaya siya unang magdedeliber?

Mga kabataan daw ang kadalasang customer ng ecstacy.

(Itutuloy)

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with