Ahas sa Garden (311)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

NAKAKUHA ng customer si Brenda. Nakipagtawaran pa rin siya sa lalaki. Nagkasundo sila. Ang kasunod ay sa isang patakbuhing motel na sa lugar ding iyon sa di-kalayuan.

Pikit-mata na lang si Brenda. Kailangang kumita siya sa gabing iyon para may maibili ng kakainin. Ayaw niyang mamatay nang dilat dahil sa gutom.

Mabilis lang ang pangyayari sa kanila ng customer. Tapos na agad. Inilabas lang ang init ng katawan. Bina­yaran siya at nagkanya-kanya na sila paglabas sa motel.

Umuwi na si Brenda. Bago nagtuloy sa inuupahang ku­­warto, dumaan siya sa isang convenient store at bumili ng kakainin para sa kinabu­kasan. Hindi na siya mamu­muroblema dahil kahit pa­ano may kakainin na siya para bukas. Hindi na siya ma­gu­gutom.

Kinabukasan, ganun uli ang ginawa niya. Doon uli sa lugar na tinambayan niya. Kabisado na niya ang galawan. Nakita uli niya ang mga anino sa di-kalayuan na tulad niya ay nag-aalok din ng “laman”.

Napansin niya, nadagdagan ang mga aninong gumagalaw.

Saka naalala ni Brenda na a-kinse nga pala ngayon. Suweldo. Tiyak na maraming la­laki ang magtatapon ng pera bibili ng por kilong “laman”.

Makalipas ang 20 minuto, may lumapit na kay Brenda. Nagtawaran sila. Nagkasundo.

Humantong na sila sa isang patakbuhing motel sa di-kalayuan. Kabisado na ng lalaki ang lugar. Mukhang be­terano na ang lalaki sa paglabas-masok sa mga motel.

Mabilis din ang pangya­yari. Pinasingaw lang ang init at tapos na. Binayaran siya.

Nakaraos na naman ang araw ni Brenda.

Pero isang gabi, isang ka­­kaibang customer ang naka­harap niya. Hindi siya ginamit at sa halip, sa isang restaurant sa Binondo siya dinala. Takang-taka si Brenda.

“Anong dahilan at dito mo ako dinala?’’ tanong ni Brenda habang nakatingin sa lalaki na may tattoo sa magkabilang braso.

“Kumain ka muna. Tikman mo yang Hainanese chicken at masisiyahan ka.’’

Gutom na si Brenda kaya pumiraso ng manok. Isinubo. Masarap. Kakaiba.

“Masarap ano?’’

“Nakatikim na ako nito, no? Dati akong mapera na naghirap. Kinain ko na ito nung masagana pa ang buhay ko.

Nagtawa ang lalaki.

“Okey ka ah.’’

“Ano ba ang kailangan mo?’’

Ibinulong ng lalaki.

“Malaki ang kikitain mo rito? Kahit di ka na magputa,” sabi ng lalaki.

“Sure ba ‘yan?’’(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with