Ahas sa garden (308)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2019 - 12:00am

PINAGMASDANG mabuti ni Brenda ang lalaking nag­lalakad. Si Alexis ba ‘yun? Parang si Alexis! O nagkakamali lang ako?

Ilang beses tinanong ni Brenda ang sarili. Hindi siya sigurado. Paano mapupunta sa casino si Alexis e ang paghahardin lamang ang alam nun. Mahina nga ang ulo ni Alexis. Siya ang nagpatakbo sa utak ni Alexis nung nasa mansion pa sila ni Nath. Sunud-sunuran sa kanya si Alexis.

Nang muli niyang ting­nan ang lalaki na inakala niyang si Alexis, wala na ito!

Nagmamadali si Brenda para sundan ang lalaki na inaakala niyang si Alexis. Nagkanda bangga siya sa nakasalubong para maha­bol ang lalaki na hindi naman siya sigurado kung si Alexis nga. Pero nawala na!

Pilit niyang hinanap sa paligid pero mabilis na na­wala. Baka nagtungo sa com­fort room!

Tinungo niya ang direksiyon ng male comfort room. Aabangan niya ang paglabas. Dito lamang sa CR ang posibleng puntahan ng lalaki. Mukhang nagmamadali kanina at baka ihing-ihi na.

Tandang-tanda naman niya ang suot na kremang long sleeves at black pants.

Bawat lalaking lumalabas sa CR ay masusi niyang tini­tingnan at baka makalampas­ sa kanya. Hindi dapat maka­lusot ang lalaki.

Pero marami na ang luma­bas na lalaki ay hindi niya nakita ang hinahanap.

Inabot siya ng kinse minutos sa paghihintay pero hindi niya nakita ang lalaki na hinihinala niyang si Alexis.

Naghintay pa siya ng limang minuto at baka hindi lamang pagdyinggel ang ginagawa --- baka umupo sa trono. Baka inabot ng pa­nga­ngailangan.

Pero lumipas ang limang minuto, hindi niya nakita ang inaabangan.

Inis na nagbalik sa dating­ puwesto ng sugalan si Brenda. Isusugal na niya ang natitirang pera.

Samantala, si Alexis nga ang nakita ni Brenda. Nasa parking area na ito ng mga sandaling iyon. Katatapos lamang nitong makipag-meeting­ sa casino officer ukol sa ka­nilang deal sa pagsusuplay ng fresh vegetables at mga prutas. Binayaran din nang malaki si Alexis.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with