^

True Confessions

Ahas sa Garden (292)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG tingnan ni Brenda ang maleta kung may laman pa, halos maubus-ubos na iyon. Tinangay na ni Jambo ang pera niya.

Nanlulumong na­pa­upo sa kama si Brenda. Hirap na hi­rap siyang maupo sa­pagkat napakasakit ng katawan niya. Ka­ilangang magdahan-dahan siya sa pagkilos.

Nang salatin niya ang pisngi, maumbok iyon. Namaga dahil sa malakas na sampal ni Jambo. Pati ang braso niya ay namamaga rin. Pati ang leeg niya ay mahapdi dahil sa pagtutok ng gunting.

Hayop ka Jambo! Hahanapin kita! Pa­pa­tayin kita! Kahit pa ma­kulong ako! Pa­ta­pon na naman ang buhay ko!

Dahan-dahang humiga si Brenda. Gusto niyang ipahinga ang katawan. Sa buong buhay niya, ngayon lamang siya nakaranas ng ganito.

Kasalanan din naman niya ang lahat. Nagtiwala agad siya kay Jambo. Akala niya “malaking isda” ito at mahuhuthutan niya. Nagkamali siya. Siya pala ang huhuthutan ng demonyo at binugbog pa siya. Hindi sana agad siya nagtiwala.

Pinilit niyang maka­tulog pero ayaw. Mas nangingibabaw ang hapdi at kirot ng mga pasa niya sa mukha at braso. At mas lalong sumasakit kapag naiisip na wala na siyang pera. Hindi na tatagal ang perang na­iwan sa maleta.

Naisip ni Brenda, siguro’y matagal na siyang ninanakawan ni Jambo. Napaniwala siya na marami itong pera. At ngayon lang niya naisip, ang perang ibinibigay sa kanya na kinita kuno sa pagpi- finance sa casino ay pera rin niya. Paniwalang-paniwala naman siya sa demonyo! Nabilog agad nito ang ulo niya.

Pinlano ni Brenda ang mga gagawin. Pa­gagalingin lang niya ang mga sugat at pasa niya saka niya hahantingin si Jambo.

Tiyak na sa casino ito makikita.

Paghahandaan niya ang pakikipagkita kay Jambo.

Papatayin niya ito! Sisiguruhin niya!

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with