Ahas sa Garden (291)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

PERO nakapag-isip si Jambo nang ididiin na ang gunting sa leeg ni Brenda. Lumuwag ang pagkakatutok niya rito. Kung mapatay niya ang babaing ito, maaaring mahuli at mabilanggo siya. Siya ang kawawa.

Pero nang luwagan niya ang pagkatutok ng gunting sa leeg, biglang pumalag ang babae. Kinalmot uli siya. Sa galit sinampal niya. Malakas. Natulig. Nawalan na ng malay.

Sinamantala ni Jambo ang pagkakataon. Lalayasan na niya ito.

Nagmamadaling inilagay sa bag ang pe-rang ninakaw. Kaila-ngang makaalis siya bago mag­balik ang ulirat ni Brenda.

Nang mailagay sa bag, nagmamadali siyang umalis. Hindi na niya nilingon pa ang nakahan­dusay na si Brenda. Isinara niya ang ilaw nang makalabas sa unit. Bahala na siya sa sarili niya! Hindi na siya magpapakita kay Brenda. Ngayong marami na siyang pera, lalayo muna siya.

MADILIM na nang magkamalay si Brenda. Hindi niya agad maalala ang huling nangyari. Bakit madilim? Hanggang sa magbalik sa alaala na nahuli niya si Jambo na ninanakawan siya. Sinugod niya at pinagkakalmot at sinuntok. Pero dahil malakas si Jambo, wala siyang nagawa. Tinutukan siya ng gunting. Akala niya, itatarak na sa leeg niya. Hanggang sa isang malakas na sampal ang nagpawala ng malay niya.

Hirap na hirap siyang bumangon. Masakit ang katawan niya.

Gumapang siya. Hanggang maabot ang switch ng lampshade. Nagliwanag. Dahan-dahan siyang gumapang sa kama. Nakita niya ang maleta na lalagyan ng pera.

Binuksan niya iyon para makita kung mayroon pang laman.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with