Ahas sa garden (290)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

PARANG daga na nasukol si Jambo. Gising na pala si Brenda at huling-huli siya sa akto habang nagnanakaw sa maleta.

Sinugod siya ni Brenda at pinagsusuntok. Lumabas ang katapangan ni Brenda.

“Walanghiya ka Jambo! Kaya pala nauubos ang pera ko, ninanakaw mo! Akin na ang pera ko!”

Bukod sa suntok ay pinagkakalmot pa niya si Jambo. Patay kung patay ang ginawa niyang pagsugod dito.

“Magnanakaw ka pala! Magnanakaw!’’

“Putsa ka Brenda! Aray! Aray!’’

Pero hindi siya tinantanan ni Brenda. Kinalmot siya sa pisngi. Hindi malaman ni Jambo ang gagawin. Napakalakas ni Brenda.

“Akinang pera ko! Wa­langhiya ka. Papatayin kita! Papatayin kita!’’

Pinagsisipa at pinagsusuntok ni Brenda si Jambo.

Pawang pagsalag ang ginawa ni Jambo. Hindi niya binibitiwan ang hawak na bungkos ng pera. Kahit anong mangyari, hindi niya bibitiwan ang mga iyon.

Pero determinado si Brenda na makuha ang pera niya. Gagawin niya ang lahat para mabawi ang pera.

Nadampot niya ang maliit na gunting na panggupit niya ng kilay at sinaksak si Jambo. Pero naka­ilag si Jambo.

“Putang-ina ka Brenda! Bitawan mo ‘yan!’’

Pero sa halip na bita­wan, muli siyang sinugod ni Brenda. Hinalihaw siya ng saksak. Parang toro na sumisingasing si Brenda na handang patayin si Jambo.

Hindi na ito nagsasalita at pawang sugod na lang nang sugod kay Jambo. Pinagsasaksak nito si Jambo. Muntik na sa tiyan si Jambo kung hindi nakailag.

“Putang-ina ka Brenda!’’

Ibinaba ni Jambo ang bungkos ng pera sa sahig at hinarap na si Brenda. Nang sumugod ang babae, iniwasan niya at hinagip ang kamay na may hawak na gunting. Pinilipit niya ang kamay. Hindi makakilos si Brenda. Kapag kumilos, mababali ang kamay nito.

“Matapang ka ha? Ikaw ang papatayin ko ngayon!”

Inagaw ni Jambo ang gunting at mabilis na itinutok sa leeg ni Brenda.

“O anong masasabi mo hayop kang babae ka!’’

Idiniin ni Jambo ang gunting sa leeg ni Brenda.

Naramdaman ni Brenda ang tulis ng gunting.

“Patay ka ngayon!’’

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with