Ahas sa garden (289)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

LIMANG bungkos ng pera ang kinuha ni Jambo. Nakita niya na mauubos na ang pera ni Brenda. Sa tantiya niya, mga lima o anim na bungkos na lamang ang naroon. Ilang araw pa at ubos na ang laman ng maleta.

Nagahaman pa si Jambo at binawasan pa ang mga bungkos na naroon. Pagkaka­taon na ito kaya dapat samantalahin na niya habang tulog na tulog at patay sa kalasingan si Brenda.

Hindi naman ma­kakahalata si Brenda sapagkat sunud-sunod ang pagkatalo nito sa casino. Mas marami pa ang talo nito kaysa panalo. Kaya nga pi­nangaralan niya ito kuno kagabi na bawa­san na muna ang pagsusugal. Pero matigas ang ulo at magsusugal pa uli para makabawi.

Nang makapagna­kaw, isinara na ni Jambo ang maleta. Tapos na ang kanyang misyon. Malinis na malinis ang kanyang pagkakapagnakaw. Walang maha­halata si Brenda. At ka­pag tinanong siya nito, hindi siya magsasalita kahit ano. Patay-malisya lang siya.

Sa katuwaan ni Jam­bo, hinawak-hawakan at inamuy-amoy ang bung­kos ng pera. Hmmm ba­ngo!

Pero walang kamalay-malay si Jambo na nagigising na pala si Brenda. Nawala na ang kalasingan nito. Naka­talikod si Jambo kay Brenda kaya hindi niya naramdaman ang paggising nito.

Nang magmulat ng mata si Brenda, ang unang nasapol ng tingin ay ang maleta na may pera.

Parang nananagi­nip siya. Bakit nakapatong sa mesa ang ma­leta niya? At nakita niya ang nakatalikod na si Jambo na may hawak na bungkos ng pera! Anong ginagawa nito?

Hanggang sa ma­unawaan niya ang lahat --- ninanaka­wan siya ni Jambo. Inu­ubos ang pera niya!

Biglang bumangon si Brenda.

“Hayop ka Jambo!’’

Gulat na gulat si Jambo.

“Walanghiya ka! Akina ang pera ko!”

Sinugod ni Brenda si Jambo.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with