Ahas sa garden (288)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

NAGSILBI pa ng beer sa mesa nina Jambo at Brenda. Nagwawating-wating na ang tingin ni Brenda.

“Hindi ka umiinom, Jam­bo. Nilalasing mo yata talaga ako, hik!’’

“Umiinom ako, Brenda baby pero alalay lang. Sino ang magda-drive kapag nasenglot ako. Siyempre gusto ko safe kang madala sa hotel.’’

“Wow ayos ka talaga Jambo, inaalala mong safety ko.’’

“Siyempre naman, love yata kita.’’

“Owwwss!’’

“Talaga Brenda baby. Sa lahat nang naging ka-live ko ikaw ang pinaka?’’

“Anong pinaka?’’

“Pinakamaganda, pina­kamabait, pinakamalam-bing, pinakamapera at pinakama-“L”, ha-ha-ha!’’

“Tado!’’

“Hindi nga ikaw ang pinaka sa lahat nang nakarelasyon ko.’’

“Binobola mo yata ako.’’
“Hindi! Ba’t naman kita bobolahin?’’

“Mukha ka kasing bolero at palikero eh.’’

“Simpatiko ako, Brenda baby.’’

‘‘Sabagay kumpara naman sa naka-live kong si Nath, mas okey ka. Yung si Nath, wala nang maibuga. Pupugak-pugak na. Laya-san ko nga!’’

“Ba’t hindi mo pinag-        viagra?’’

“Naku ayaw na, lantutay na!’’

Napahagalpak nang tawa si Jambo.

‘‘Pero bago ko nilayasan, dinugasan ko muna. Ano ako sira na walang mapapakinabang? Inubos ko nga ang pinagbentahan sa mansion…’’

Nag-isip si Jambo. Kaya pala maraming pera si Brenda baby, dinugas sa ka-live in.

‘‘Nasaan na ang ka-live in mong ‘yun?’’

“Malay ko! Baka patay na ‘yun. Ewan ko!’’

Binigyan pa ni Jambo ng beer si Brenda.

‘‘Eto pang beer, Baby.’’

‘‘Uminom ka Jambo, nilalasing mo ako eh, hik!’’

Uminom si Jambo pero simsim lang. Hindi siya magpapakalasing dahil may gagawin siya mamaya pagdating nila sa hotel.

Naubos ni Brenda ang anim na bote na inorder ni Jambo. Nakasubsob na ito sa mesa dahil sa kalasi-ngan. Tulog na.

Tinapik-tapik ni Jambo.

‘‘Brenda baby,’’ sabi niya.

Hindi kumilos. Tulog na nga.

Tinawag niya ang waiter at hiningi ang bill.

Nang mabayaran ang ininom nila, sinubukan niyang gisingin si Brenda para madala sa kotse. Pero patay sa kalasingan.

“Buhatin mo na Sir. Ka-yang-kaya mo naman ‘yan!’’ sabi ng waiter na nagsilbi.

Binuhat nga ni Jambo. Nakatingin ang iba pang umiinom sa bar habang buhat-buhat si Brenda.

Mabuti na lang at malapit sila sa entrance kaya kaunting buhat lang at naisakay na niya sa kotse.

Nang makarating sila sa hotel, napilit niyang gisingin ito pero hirap na hirap siyang akayin hanggang sa elevator.

Nang makarating sa room, saka lamang nakahinga si Jambo.

Nang maihiga sa kama, isinagawa na niya ang balak.

Kinuha ang maleta sa cabinet at ninakawan muli si Brenda. Tulog na tulog si Brenda. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with