Ahas sa Garden (286)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2019 - 12:00am

“JAMBO!’’

Malakas ang pagkakasabi ni Brenda.

Kunwari ay naalimpu­ngatan si Jambo. Naghi­kab pa ito at kumamot sa tiyan.

“Bakit Brenda baby?’’

“Parang hindi nada­dag­dagan ang pera ko. Kahit malaki ang interes nang ibinibigay ko sa iyong pang-finance  e parang walang epekto!’’

“E paano ang sunud-sunod ang pagkatalo mo. Di ba sabi ko nga sa’yo awat na e ayaw mo. Yun ang dahilan kaya hindi nadadagdagan.’’

Natigilan si Brenda. Nag-isip.

Saka tumalikod at nag­balik sa room na kina­ro­roonan ng maleta na may pera. Muling ininspeksiyon. Saka isinarado at ibinalik sa loob ng cabinet.

Si Jambo naman ay nagkunwaring natutulog. Pero ang totoo, nakikiramdam siya sa mga ginagawa ni Brenda. Nagtataka na si Brenda kung bakit pakonti nang pakonti ang kanyang pera. Pero nag-isip kanina nang sabihin niyang marami itong talo. Mukhang naniwala na ganun nga ang dahilan kaya hindi dumarami ang pera.

Naisip ni Jambo, kaila­ngang igumon niya ito sa sugal at kapag natalo, iyon ang ipamumukha niya. Iyon ang pinakamagandang pa­raan para hindi siya ma­paghinalaaan. Kanina, sa tingin niya naghihinala si Brenda. Kailangang patayin niya ang hinala ni Brenda.

Bumangon siya at niyaya na si Brenda.

“Maligo ka na Brenda baby. Mukhang maganda ang araw na ito. Kutob ko, susuwertihin ka.’’

“Kumakati nga ang palad ko Jambo.’’

“Aba magandang pala­tandaan yan. Magdala ka nang maraming bala. Pa­lagay ko, araw mo nga­yon.’’

“Sige, maliligo lang ako.’’

“Sabay na tayong maligo para lalo kang suwertihin.’’

“Ang hilig mo talaga Jambo!’’

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with