Ahas sa garden (284)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2019 - 12:00am

KINABUKASANG magising si Brenda, ang pera agad niya sa maleta na nasa cabinet ang hinanap. Nang matiyak na naroon ang maleta ay hinanap naman niya si Jambo. Wala si Jambo!

“Jambo! Jambo!’’ tawag niya.

Nang biglang su­magot si Jambo.

Nasa terasa pala ito.

“Narito ako, nag­yoyosi! Bakit Brenda baby?’’

“Wala!’’

Nagtungo sa ban­yo si Brenda at umihi. Habang umiihi, binalikan niya ang nangyari kagabi. Talunan siya sa casino. Malaki ang natalo sa kanya. Niyaya siya ni Jambo na uminom. Nalasing siya. Sobra ang lasing niya. Hindi na niya nalaman kung paano siya iniuwi ni Jambo. Paano kaya siya dinala ni Jambo dito sa room. Binuhat kaya siya? Wala siyang matandaan sa nangyari kagabi.

Tinapos niya ang pag-ihi at lumabas.

Tapos nang mani-garilyo si Jambo.

“Ba’t mo ako hina-hanap, Brenda baby?’’

“Wala naman. Hindi kita kasi nakita pag-mulat ko.’’

“Hinahanap mo rin pala ako, Baby.’’

“Siyempre naman.’’

“Aalis ba tayo nga-yon, Baby?’’

“Siyempre. Babawi ako.’’

“Magdala ka nang maraming ‘bala”. At yung pam-finance ko baka malimutan mo. Titipak ka na naman sa interes.’’

Tumango si Brenda.

Pagkaligo ay umalis na sila. Atat na si Brenda na makabawi.

Suwerte siya ng araw na iyon. Panalo siya.

Lalo siyang natuwa sapagkat kumita rin ang pera na binigay niya kay Jambo.

“Ito ang tubo ng pera mo! Ang laki! Paldo ka na naman, Brenda baby.”

“Wow ang husay  mo talaga, Jambo.’’

“Basta sinabi kong darami ang pera mo, matutupad ‘yun. Maniwala ka sa akin, Brenda baby.’’

“Naniniwala naman ako ah!’’

Pero lihim na napa­ngiti si Jambo. Wa­lang kamalay-malay si Brenda na ang tubo na natanggap niya ay ang perang ninakaw ni Jambo sa maleta.

“Bukas uli, bigyan mo ako ng pam-finance para dumami pa ang pera mo.’’

“Areglado, Jambo. Lalakihan ko ang puhunan mo.”

Lalo nang napa­ngiti nang todo si Jambo.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with