Ahas sa garden (282)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2019 - 12:00am

LASING  na lasing si Brenda. Si Jambo ay alalay lang ang pag-inom.

“Kaya mo pa ba, Brenda baby?’’

“Oo! Kayang-kaya pah, hik!’’

“Lalo ka palang gu­maganda kapag nalalasing, Baby.’’

“Huwag mo akong bolahin, Jambo. Hindi pa ako lashing!’’

“Hindi kita binobola. Talagang maganda ka, Brenda baby.’’

“Bukas, babawi ako sa casino. Kailangang manalo ako bukas.’’

“Oo. Bumawi ka. Baka bukas e lucky day mo.’’

“Ikaw yata ang malas sa akin, Jambo. Bakit sunud-sunod ang talo ko ngayon?’’

“Meron ba namang malas na nag-aakyat sa iyo ng pera. ‘Di ba yung P2-M mo e na­ging P2.5-M. Kaso pinatalo mo pa rin. Sabi ko sa’yo awat na e hindi ka nakinig.’’

“Buwisit!’’

“Pagsinabi kong awat na, titigil ka na. Mas alam ko ang laro sa casino, Baby.’’

“E gusto kong maka­bawi.’’

“Habang nagku­ku­mahog kang maka­bawi, lalo kang malulubog. Maniwala ka sa akin.’’

“Para kang pari ah. ‘Di ba ang gusto mo ay laging may matalo sa casino at nang mayroon kang maging kliyente. Kapag walang natalo sa casino patay ang negosyo mo.’’

“Nagpapaalala lang ako, Brenda baby. Gusto ko lang huwag kang umuwing luhaan.’’

“Basta babawi ako bukas.’’

“Gusto mo mag-outing na lang muna tayo. Mag-beach tayo. Mayroon akong alam na beach na magandang puntahan.’’

“Ayoko! Gusto kong mabawi ang natalo sa akin.’’

“Sige. Ikaw ang bahala.’’

“Magdadala ako nang maraming pera bukas. Isasagad ko na ang pera ko. Pagtumama ako, ba­wing-bawi na at saka ako titigil. Saka na lang ‘yang outing na nai­isip mo Jambo!’’

Napangiti lang si Jambo. Mayroon siyang naiisip. Bago maubos ang pera ni Brenda kailangang may magawa siya.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with