Ahas sa garden (281)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

MINALAS si Brenda nang gabing iyon sa casino. Lumipad ang milyones niya. Isang iglap lang. Buwisit na buwisit siya sa harap ni Jambo.

“Relaks ka lang Baby, ganyan talaga ang sugal --- may natatalo at nana­nalo.”

“Buwisit ang laki ng natalo sa akin! Yung napanalunan ko kahapon, naabo ngayon.’’

“Try ka uli. Malay mo bukas, manalo ka.”

“Nasaan ang pera kong pinang-finance mo. Itataya ko uli ngayon, kailangang makabawi ako.’’

“Bukas ka na lang maglaro, Baby, mukhang hindi ka suwerte ngayon.’’

“Hindi! Akina ang pera ko at babawi ako!’’

“Okey. Huwag mo akong sisihin.’’

Ibinigay ni Jambo ang P2-M ni Brenda kasama ang interes.

At tama si Jambo dahil hindi nga masuwerte si Brenda nang gabing iyon. Nalimas ang P2-M nang walang kaabug-abog!

Tahimik lang si Jambo habang pinagmamasdan ang talunang si Brenda. Walang tigil sa pagmumura ang babae.

“Buwisit talaga! Buwisit!”

Gusto pang maglaro ni Brenda pero pinigil na ni Jambo.

“Bukas na lang uli, Baby. Huwag mong pilitin na manalo. Habang nagkukumahog kang manalo, tiyak na sa pagkatalo ang uuwian mo. Believe me, Baby.’’

“Buwisit!”

“Tena na, Baby. Gusto mo inom na lang tayo. Para marelaks ka.’’

Pumayag si Brenda.

Sa isang KTV bar na malapit din lang sa casino sila nagtuloy.

Umorder ng mamaha­ling brandy at masarap na pulutan si Jambo. Sina­linan si Brenda ng alak.

“Namnamin mo ang alak, Baby. Malilimutan mo ang pagkatalo kanina.’’

Uminom si Brenda. Inu­bos ang laman ng baso.

“Ganyan!” sabi ni Jambo. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with