Ahas sa garden (279)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 8, 2019 - 12:00am

MAY buntot pa ang su­werte para kay Brenda ng araw na iyon sapagkat sunud-sunod ang kanyang panalo sa casino. Hindi ma­pigilan. Tumabo siya nang husto.

Habang naglalaro si Brenda, busy din naman ang pagador na si Jambo. Nakaabang siya sa mga player na naubusan ng pu­hunan.

At maganda nga ang pinasok niyang negosyo sapagkat hindi na kaila­ngang mag-alok sapagkat lalapit ang nangangaila­ngan at gustong makabawi. Kabisado na ni Jambo ang laro sa casino. Kapag ang isang talunan ay gustong makabawi, maski ang ka­lu­luwa ay isasangla para magkaroon ng puhunan­. Hindi na kailangang maki­pagtawaran si Jambo sapagkat ang nangangailangan­ ang kusang susunod sa anu­mang gusto. Kabisado na ni Jambo ang mga na­nga­ngailangan.

At sa maikling oras, kumita na agad ang pera ni Brenda. Tumataginting na P1.5-M!

Lumipas pa ang ilang oras.

Hanggang natapos ang mabungang paglalaro ni Brenda.

Nilapitan siya ni Jambo.

“Umuwi na tayo Brenda baby. Alam ko paldo ka na. At ako man, paldung-paldo na rin.’’

“Talaga, Jambo? Kumita na ang P1-M ko? Mag­kano?’’

“Huwag kang atat, Baby. Sa kotse na tayo magkuwentahan. Magugulat ka.’’

Nagtungo na sila sa ki­napaparadahan ng Audi ni Jambo.

Nang nakasakay na sila, inilabas ni Jambo ang mga bungkos ng pera.

“Ayan Brenda baby, P1.5-M ‘yan!’’

“Wow! Totoo nga!’’

“Naniniwala ka nang dadami ang pera mo, Baby?’’

“Oo Jambo!”

(Itutuloy)

AHAS SA GARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with