^

True Confessions

Polio

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG kaso na ng polio sa bansa ang naitala ng DOH. Ang nauna ay tatlong-taong gulang na babae mula Lanao del Sur. Ang pangalawa ay limang-taong gulang na lalaki mula Laguna. Taon 2000 nang ideklarang “polio-free” ang Pilipinas dahil sa magandang programang pabakuna noon. Pero ngayon, 66 percent lamang ng mga bata ang nababakunahan ng anti-polio noong nakaraang taon, ayon sa DOH. Ang target ay 95 percent sana.

At ano ang malaking dahilan kung bakit bumaba nang husto ang mga nababakunahang bata? Hindi lang sa polio kundi pati na rin sa dengue at tigdas. Mga sakit na kung tutuusin ay may bakuna na. Kasama ang Dengvaxia na hanggang ngayon ay hindi pa napapatunayang masamang ibigay sa bata.

Ilang bansa ang patuloy na may Dengvaxia sa merkado nila kabilang ang United States. Basta’t nasusunod ang tamang pagbigay ng bakuna, may mabibigay na proteksiyon.

Hindi talaga dapat pinupulitika ang kalusugan. Ito rin ang pahayag ng mga eksperto mula ibang bansa. Kailangang tandaan na kung anuman ang masasabi ng isang opisyal ng gobyerno, malaki ang porsiyento na paniniwalaan ito lalo na sa kalusugan at medisina.

Dahil sa takot na ikinabit sa Dengvaxia, malaki ang posibilidad na pati ibang mabibisang bakuna ay apektado na rin. Hindi dapat pinalaki ang isyu kung wala pa namang matibay na ebidensiya na masama ang bakuna. Kung ganyan kasama ang bakuna, hindi rin ito gagamitin ng ibang bansa.

Hindi biro ang polio. Isa itong nakakapabagabag na sakit na maaaring mauwi sa pagkalumpo ng bata kung malubha ang kondisyon. Wala na nga sana sa bansa pero bumalik na nga.

Sana ay hindi kumalat sa lebel ng epidemya. Kung may mga batang hindi pa nabibigyan ng anti-polio, ito na ang panahon para sila pabakunahan. Magtungo na ang mga magulang at kanilang anak sa health center. Libre ang bakuna sa polio.

 

vuukle comment

POLIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with