^

True Confessions

Ahas sa garden (263)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TINAWAGAN agad ni Manang si Alexis nang araw ding iyon bilang pagsunod sa utos ni Sir Nath.

“Alexis, magandang balita!’’ bungad ni Manang.

“Ano yun Manang?’’

“Nakita na namin si Sir Nath. Iniwan na pala siya ni Brenda at tinangayan pa ng pera. Nasimot lahat ng pera ng matanda. Nagkasakit siya pero magaling na ngayon. Balik na uli ang sigla niya. Paalis na nga kami patungong Australia.’’

“Kasama ka Manang?’’

“Oo. Sabi ni Sir Nath, ako ang mag-aalaga sa kanya sa Australia. Hindi nga ako makapaniwala na isasama ako.’’

“Masuwerte ka Ma-nang. Mabait talaga si Sir Nath ano?’’

“Ay oo. At alam mo, binanggit kita sa kanya. Sinabi ko ang tungkol sa nangyari sa inyo ni Brenda.’’

“Ano ang sabi niya Manang? Galit ba sa akin?’’

“Hindi! Pinatatawad ka na niya. Sabi niya, nasulsulan ka lang naman ni Brenda kaya nagawa ‘yun. Alam daw niya na mabuti kang tao.’’

“Salamat at napatawad na niya ako.’’

“Ikinuwento ko rin kay Sir na asensado ka na dahil sa iyong negosyong fruits and vegetables. Sabi niya ipagpatuloy mo raw yan.’’

“Sana kung hindi kayo aalis, gusto ko siyang ma­kausap.’’

“Paalis na kami next week, Alexis. Busy na siya sa pag-aasikaso ng papers.’’

“’Hindi na niya hahabulin si Brenda sa tinangay na pera?’’

“Hindi na raw siya mag-aaksaya ng panahon sa babaing iyon. Tapos na raw ang lahat at gusto na niyang matahimik sa Australia.’’

“Nasaan na ba si Brenda, Manang?’’

“Bah malay ko! Baka nagpapakasawa sa tina-ngay na milyones.’’

“Siguro nagbago na siya ano?’’

“Parang mahirap mangyari yun.’’

Nagpaalam na si Manang kay Alexis.

“Sige, Alexis lagi kang mag-iingat. Mag-communicate tayo sa FB.’’

“Sige, Manang. Mara­ming salamat.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with