Sumuko na kayo!
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2019 - 12:00am

MAY dalawang araw pa ang mga bilanggong napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) para su­muko. Labinlimang araw lamang ang ibinigay sa inyo ni President Rodrigo Duterte para sumuko. May kalalag­yan kayo kapag nagmatigas na sumuko.

Ikakasa na ng Philip­pine National Police-Special Action Force ang malawakang paghahanap sa inyo kapag natapos ang palugit. Magandang pagkakataon ito dahil maipuproseso na ang inyong karapatang lumaya nang tuluyan. Ito rin ang inyong pagkakataon na maisiwalat ang mga corrupt sa BuCor.

Sa Huwebes, muling maghi-hearing ang Senado kaugnay sa GCTA kung saan napalaya ang drug lords, murderer, rapist at iba pang may mga karumal-dumal na kaso. Ilang bilanggo pa umano ang handang lumutang para ituro kung sinu-sino ang nagkamal ng pera sa Bilibid. Ang masakit lang, sa kabila ng mga nangyayaring anomalya sa BuCor, hindi nagbago ang tiwala ni Duterte sa sinibak na si dating BuCor chief Nicanor Faeldon. Dismayado ang ilang kababayan sa nangyari.

Kung sabagay malaking bagay ang iskandalong kinasangkutan ni Faeldon dahil nabuking ng mga Senador ang baho sa Bilibid na matagal nang itinatago ng BuCor chiefs. Lumalabas na lahat ay puwedeng bayaran sa Bilibid dahil mismong ang dating BuCor officials ay isiniwalat ito sa pag­dinig noong nakaraang linggo.

Dahil sa pagtatanong ni Gordon nabuking ang maraming raket sa Bilibid. Hindi rin nagpaawat sa pagtatanong si Sen. Ping Lacson at nau­rirat ang mga baho sa BuCor. Mahaba na ang karanasan ni Lacson sa Senado kaya sanay na siya sa pagtatanong para mahalukay ang mga masasamang nangyayari sa Bilibid.

Naging maingay ang taumbayan nang mapabalita ang takdang paglaya ni dating Caluan mayor Antonio Sanchez dahil sa GCTA. Hindi kaya tanggapin ng mga magulang ni Eillen Sarmenta at Allan Gomez na lalaya ito matapos sintensiyahan ng 7 beses na habambuhay na pagkabilanggo.

Kaya sa sobrang kasikatan ni Sanchez naging eye opener ito sa Senado para imbestigahan ang isyu ng GCTA. Nabatid din na may drug lords, killer-rapists ang napalaya dahil sa GCTA. Kaya sa galit ni Duterte, pinatigil ang GCTA at inutusang bumalik ang mga pinalayang bilanggo. Sinibak din niya sa puwesto sa Faeldon.

Kaya sa mga nakalayang bilanggo na hindi pa sumusuko, sundin ang utos ng Presidente. Sumuko na kayo sa pinakamalapit ng himpilan ng PNP upang di kayo malagay sa alanganin. Kapag nakasuko na, isiwalat n’yo na kung magkano ang hinuthot sa inyo ng mga dupang na BuCor officisl korap kapalit ng paglaya.

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with