Ahas sa garden (253)
NAPATIGIL si Brenda sa pagpasok sa kanyang room para kumuha ng perang pambayad sa lalaki.
“Anong ibig mong sabihin?’’ tanong niya sa lalaki.
“Joke lang, hindi ka na mabiro. Palabiro talaga ako.’’
“Wait ka lang. Babayaran kita, marami akong pera.’’
Nanatili sa pagkakatayo ang lalaki. Nakatingin lang kay Brenda na pumasok sa maliit na kuwarto.
Kinuha naman ni Brenda ang maleta niya na may pera sa cabinet. Dalawang bungkos ang kinuha niya. Hawak ito nang lumabas.
Nakatayo pa rin ang lalaki.
“Etong bayad ko. Kapag sinabi ko, magbabayad ako,’’ iniabot ang pera sa lalaki. “Bilangin mo.’’
“Wala naman akong sinasabi na hindi ka magbabayad,” sagot ng lalaki at kinuha ang pera at ipinatong sa ibabaw ng sopa.
“Kahit nga hindi ka magbayad oks lang.’’
“Hindi ako ganun. Marami akong pera at kayang-kaya kitang bayaran.’’
“Easy ka lang. Huwag mo namang pagsungitan ang sumaklolo sa iyo sa gitna ng krisis. Baka kailanganin mo uli ako sa hinaharap…’’
“Hindi na siguro. Nagkataon lang na na-short ako…’’
“Okey, fine. Siyanga pala, ako si Jambo and you are?”
Huminga si Brenda. Kailangan pa ba niyang ibigay ang pangalan sa lalaking ito. Pero, mukha namang hindi tarantado at tinulungan pa siya sa oras ng pangangailangan.
“You are?’’
“Brenda.’’
“Ikinagagalak kitang makilala Brenda,” sabi ni Jambo at inilahad ang kamay.
Nakipagkamay si Brenda.
“Okey ngayong nagkakilala na tayo, aalis na ako. Sorry at nagambala ko ang gabi mo. Kapag nagawi ka uli sa casino, naroon lang ako sa paligid-ligid. Madali mo akong makikita,” sabi at humakbang palabas makaraang damputin ang dalawang bungkos ng pera sa sopa.
“Sandali,” sabi ni Brenda.
Tumigil si Jambo.
“Bakit Brenda?’’
“Di ba sabi mo didyinggel ka?’’
“Ow, nalimutan ko. It’s okey na. Nawala na. Salamat sa pagpapaalala. Bye!”
Tuluyan nang lumabas si Jambo. Marahan nitong kinabig ang pinto.
Nanatili namang nakatayo si Brenda.
Nag-iisip. Mukha naman palang mabait si Jambo. Akala niya, magsasamantala. Hindi pala.
Kawawa naman at medyo nabara niya kanina.
(Itutuloy)
- Latest