^

True Confessions

Ahas sa garden (252)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ATUBILI si Brenda nang magyaya ang lalaki na nagpautang sa kanya ng pera. Kailangan nga niyang isama ito sa hotel na tinutuluyan para mabayaran.

Ilang saglit siyang nag-isip. Puwede naman siyang hintayin ng lalaki sa lobby ng hotel.

“Halika na sa hotel mo para mabayaran mo na ako,” sabi ng lalaki na nakangiti.

Humakbang si Brenda. Sumunod ang lalaki sa kanya. Ang pangako ay pangako. Ka­ilangang maibigay niya sa lalaki ang perang inutang.

Nang makalabas sila sa pintuan ng casino, nagsalita ang lalaki.

“Maghintay lang tayo rito at darating ang kotse ko. I’m sure nagtaxi ka lang di ba?’’

Tumango si Brenda. Parang nahihiwagaan siya sa lalaking ito. May ibig sabihin ang ngiti.

“Nag-iisa ka ba talaga kapag naglalaro rito?’

Tumango uli si Brenda. Nakikita na naman niya sa namumungay niyang mga mata na tila may pinahihiwatig ang lalaki sa ngiti nito.

Maya-maya, dumating ang isang bagumbagong silver na Volvo. Bumaba ang driver at sumaludo sa lalaki.

Inabutan ng pera ng lalaki ang driver at saka binalingan si Brenda pagkaraang buksan ang pinto sa kaliwang side.

“Sakay na,” sabi nito.

Sumakay si Brenda. Ma­lamig at mabango sa loob. Bagumbago.

Umalis na sila.

“Saan ba ang hotel mo?’’

“Sa Roxas Blvd.’’ Sinabi ni Brenda ang pangalan.

Napatangu-tango ang lalaki at saka tinulinan ang pagpapatakbo. Halos walang marinig si Brenda na ugong ng sasakyan kahit mabilis ang takbo nila. Pantay na pantay.

Wala pang 15 minuto ay nasa harapan na sila ng hotel. Bumaba sila. Lumapit ang isang unipormadong hotel employee para sa valet parking. Pumasok na sila sa entrance ng hotel.

Nang nasa lobby na, nakiusap si Brenda.

“Puwede dito ka na lang? Kukuha lang ako ng pera sa room ko? Babalik ako in a minute.’’

“Nadidyinggel ako. Baka puwedeng maki-CR sa room mo. Natulungan naman kita sa problema mo kanina, baka matulungan mo ako ngayon na kailangan kong magbawas.’’

Natigilan si Brenda. Muli may nakita siyang hiwaga sa ngiti ng lalaki.

“Halika,’’ yaya ni Brenda.

Nang nasa room na sila, pinaghintay niya ang lalaki sa receiving room.

“Wait ka lang dito, kukuha lang ako ng perang ibabayad sa’yo.’’

“Hindi pera ang gusto kong ibayad mo...” (Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with