^

True Confessions

Ahas sa garden (249)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BASTA makita ko lang si Daddy, matatahimik na ako,” sabi ni Cindy.

“Kung ang pakikisama kay Brenda ang makakapagpaligaya sa kanya, tataggapin ko na. Kung saan siya maligaya, payag na ako. Ang mahalaga ay makita ko siya at malaman ang kalagayan niya,” umiyak na si Cindy.

Tinapik-tapik siya ni Manang at Ester sa balikat. Pinapayapa ang damdamin.

“Makikita natin ang daddy mo Cindy. Huwag kang mag-alala at maa-yos natin siyang matatagpuan,” sabi ni Manang na parang maiiyak na rin.

“Oo nga Cindy. Ma­nalangin tayo na makita natin ang daddy mo.’’

Natigil sa paghikbi si Cindy.

Maya-maya ay nagtanong.

“Sa palagay mo Manang at Ate Ester, magkasama pa hanggang nga-yon si Daddy at Brenda?’’

“Sa palagay ko, hindi na,” sabi ni Manang. “Ma-lakas ang kutob ko na iniwan na ni Brenda si Sir Nath.

“’Yan din ang paniwala ko, Cindy,” sabi naman ni Ester.

“Bakit po?’’

“Sa itsura ni Brenda, hindi siya makukuntento sa isang lalaki. Ang pera lang talaga ni Sir Nath ang puntirya niya. Palagay ko, sinaid na niya ang pera ni Sir Nath.’’

“Pati po kaya napagbentahan sa mansion namin, naubos na, Manang?’’

“Posible yun, Cindy. Kasi nga, ang balak niya nung una, uubusin ang pera ni Sir Nath at saka ito iiwan. At nun ngang kinasabwat si Alexis, balak pang patayin ang daddy mo pero nagbago ang plano dahil nga hindi pumayag si Alexis.’’

Napahinga nang malalim si Cindy.

Maya-maya ay nagsa-lita ito.

“Si Alexis po kaya ay may alam sa kinaroroonan ni Daddy. Bakit hindi po natin siya kontakin?’’

“Sige kontakin natin siya. Pero palagay ko wala rin siyang alam sa kinaroroonan ni Sir Nath,” sabi ni Manang.

“Baka po may maitulong siya Manang.’’

“Sige, tatawagan ko siya.’’

SAMANTALA, natatalo na nang malaki sa casino si Brenda. Kung noon ay sunud-sunod ang panalo, ngayon ay sunud-sunod naman ang talo niya. Buwisit na buwisit siya.

Lihim naman siyang sinusubaybayan ng isang lalaki. Lihim na itong dumidikit kay Brenda.

Nang maubos ang dalang pera ni Brenda, kumilos ang lalaki.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with