^

True Confessions

Ahas sa Garden (236)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PINIPILIT ni Sir Nath na makabangon pero hindi niya makaya dahil namamaga ang kanyang balikat at braso dahil sa gout. Ilang araw na siyang ganito kaya hindi sila makapag-casino. Nung minsan na mag-casino sila ay minalas uli sila dahil siguro masama ang pakiramdam niya dahil sa walanghiyang gout. Nakainom kasi siya ng maraming beer at sitsarong bulaklak. Pinainom kasi siya nang pinainom ni Brenda ng beer matapos silang mag-casino. Kaya sa halip na gumaling, lalong namaga ang kanyang braso na umabot sa balikat.

At ngayong kailangan na niyang bumangon para umihi, saka naman wala si Brenda. Ihing-ihi na siya! Ni hindi niya mahawakan ang siper ng kanyang shorts para makaihi.

“Babeeee! Babeeee! Tulungan mo akong makaba­ngonnnn!’’ sigaw niya.

Pero walang dumating na Brenda.

Nag-iisip na si Sir Nath kung bakit wala si Brenda. Ngayon lang ito nawala ng ganun katagal. Kung nasa banyo lang si Brenda at nali­ligo, kanina pa ito tapos. Baka naman may binibili sa supermarket o sa tindahan sa pali­gid? Baka bumibili ng pagkain sa karinderya? Nasabi minsan ni Brenda na nagsasawa na siya sa luto sa mga mamahaling restaurant na kinakainan nila. Gusto naman ay sa karinderya o turo-turo.

Pero hindi rin maiwasang isipin ni Sir Nath na, hindi kaya iniwan na siya ni Brenda? Hindi kaya nagsawa na ito sa kanya kaya umalis nang walang paalam?

Pero pinalulubag niya ang sarili. Maaaring nasa store lamang si Brenda at may ma­halagang binibili. Hindi siya iiwan ni Brenda. Siya lamang ang inaasahan ni Brenda. Hindi mabubuhay si Brenda nang wala siya. Kaya nga sumama sa kanya si Brenda ay dahil gustong makatakas sa kahirapan ng buhay. Kung hindi sa kanya, baka na isang pipitsuging kompanya pa rin si Brenda na kakarampot ang suweldo. Sumama sa kanya si Brenda dahil alam na mapapabuti ang buhay. Ibinigay niya lahat ang gusto ni Brenda at wala na itong mairereklamo sa rangya ng buhay na pinagkaloob niya.

Kaya hindi siya maaaring iwan ni Brenda. Wala nang ibang pupuntahan si Brenda. Siya lamang ang lalaking makapagbibigay ng luho kay Brenda at wala nang iba. At hindi magagawa ni Brenda na umalis dahil wala naman siyang pera.

Pero nang ilang oras nang walang dumarating na Brenda, nag-panic na si Sir Nath. Nagsisigaw na siya.

“Babeeeeeee! Babee­eeeeeee!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with