^

True Confessions

Ahas sa garden (229)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MATINDI ang hinanakit ni Sir Nath sa mga anak na nasa Australia. At ikinatutuwa iyon ni Brenda. Tutol ang mga anak ni Sir Nath sa kanya. Ayaw ng mga ito na siya ang kasamahin ni Sir Nath. Ang gusto, huwag nang humanap ng bagong asawa ang ama, makaraang mabiyudo. Para sa kanila, walang katulad ang namayapang ina. At lalo pa ngang tumutol nang malaman na ang katulad lamang ni Brenda ang iniuwi ni Sir Nath sa mansion. Sa tingin nila, ang pera lamang ni Sir Nath ang pakay ni Brenda kaya sumama sa matanda. Mula noon, hindi na naging maganda ang relasyon ni Sir Nath sa dalawang anak na nasa Australia.

Ngayon ay napapangiti lang si Brenda. Kung iyon ang impression nila sa akin, tinotoo ko na. Nasimot ko na ang pera ng inyong ama at lalayasan ko na, ha-ha-ha!

Plano ni Brenda, kapag malapit na niyang iwan ang matanda, ang pera lamang ang dadalhin niya. Hindi na siya magdadala ng damit. Para ano pa? Marami naman siyang pambili.

Mag-i-stay siya sa 5-star hotel. Palipat-lipat siya habang inaalam kung saang probinsiya naroon si Alexis. Kapag nalaman na niya kung nasaan ito, pupuntahan niya. Tiyak na hindi makakatanggi sa kanya si Alexis. Pakikitaan niya ng bungkos-bungkos na pera!

SAMANTALA, naisip ng maid na si Ester na tawagan si Manang isang raw para ibalita ang nangyari sa mansion na ginawang warehouse ng shabu.

Gulat na gulat si Manang sa tawag ni Ester.

‘Kumusta ka Manang?’’

‘Mabuti Ester. May tindahan ako at maayos naman ang buhay.’’

“Salamat at okey ka na. May ibabalita ako sa iyo – tungkol sa mansion ni Sir Nath.’’

“Anong nangyari sa mansion?’’

“Ginawang bodega ng shabu at ngayon ay unti-unti nang nasisira. Sayang na sayang ang mansion.’’

Napahikbi si Manang. Dinig na dinig ni Ester ang hikbi.

“Nasaan ba ang mga anak ni Sir Nath, Manang?’’

‘‘Nasa Australia…’’

‘‘Alam na kaya nila ang nangyayari sa kanilang ama?’’

‘‘Hindi ko alam, Ester. Wala na rin akong kontak sa kanila.’’

‘‘Sayang ang mansion. Sabagay, wala na rin silang magagawa dahil binenta na sa Chinese na drug trafficker pala.’’

‘‘Nanghihinayang din ako Ester pero wala akong magawa.’’

“Oo nga. Kahit pa mag-iiyak tayo, wala nang magagawa.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with