Ahas sa Garden (228)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2019 - 12:00am

BUKOD sa nalulong sa sugal, nahilig din sa alak si Sir Nath. Napansin ni Brenda na pagkatapos nilang mag-casino, alak ang inaatupag ni Sir Nath. Naglalasing para siguro malimutan ang pagkatalo sa casino. Kaya lalo lamang nag-umigting kay Brenda ang plano na layasan na ang matanda. Bukod sa wala nang “ibubuga” sa kama, ubos na ang pera at lasenggo pa. Hindi siya mag-aalaga ng matandang lasenggo. Tiyak na magkakasakit ito dahil sa kaiinom at pagpupuyat. Hindi niya sasayangin ang kanyang kasariwaan sa matandang ito na malapit nang maubos ang pera. Kailangang maiplano na niya kung kailan sisibatan ang matanda.

Minsan, habang umiinom si Sir Nath, tinanong ito ni Brenda ukol sa mga anak na nasa Australia.

“Kumusta ang mga anak mo sa Australia, Babe?’’

“Walah na akong pakialam sa mga ‘yun, hik!’’

Napangiti nang lihim si Brenda. Matindi ang galit ni Nath sa dalawang anak.

“Alam ba nila na binenta mo na ang mansion?’’

“Hindih! Ba’t koh sasa­bihin sa kanilah? Walah silang karapatan sa ari-arian koh, hik!’’

“Hindi ka tinatawagan, babe?”

“Nagbagoh na akoh ng number! Ayaw ko nah silang makausap, hik!”

“Paano kung hanapin ka nila?’’

“Hindih nilah akoh makikitah, hik! Itagoh moh ako, Babe, hik! Ikaw lang ang mahal koh!’’

“Oo, itatago kita. Hindi ka nila makikita!” sabi ni Brenda pero sa kanyang isip, aabandonahin niya ang matandang ito.

“Ayaw ko silang makitah! Mga walang utang na loob, hik!’’

Napangiti nang lihim si Brenda. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with