Ahas sa Garden(226)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2019 - 12:00am

“REGALO mo sa akin ang kuwintas na ito, Babe. Mamahalin ito. Galing pa ito sa Paris,” sabi ni Brenda.

“Papalitan ko nang mas mahal. Isangla mo na para may pera tayo. Baka suwertehin na ako, Babe. Sige na. Pagkatapos ay uuwi na tayo.’’
Walang nagawa si Brenda kundi sumunod kay Sir Nath. Hinubad niya ang kuwintas at isinangla. Da­ang libo ang halaga ng kuwintas. Hindi na nanghinayang pa si Brenda dahil maliit lang ang halagang yun kumpara sa laki nang nakukupit niyang pera kay Sir Nath. Milyun-milyon na ang nakatago niya. Isa pa, kaya siya pumayag na isangla ay dahil papalitan naman daw. Kung papalitan e ‘di okey. Kung hindi okey lang din!

Malas talaga ng araw na iyon si Sir Nath dahil ang napagsanglaan ng kuwintas ay nalaspag din. Talo uli!

“Umuwi na tayo, Babe, mag-aalas kuwatro na ng madaling araw. Bumalik na lang uli tayo.’’

“Sige! Putang inang buhay ‘to, talo na naman ako. Bukas nga e magdala ka nang maraming baon para hindi tayo nabibitin.’’

“Oo. Halika na.’’

Lumabas na sila ng casino.

Sa taxi, nakatulog na si Sir Nath. Humihilik pa. Si Brenda ay gising na gising at marami nang pinaplano sa hinaharap.

Darating ang oras na mauubos sa kasusugal ang kayamanan ni Sir Nath. Pero wala na siyang pakialam maubos man lahat iyon. Ang mahalaga, mayroon na siyang naka-save na pera at hindi na siya maghihirap. Magbubuhay mayaman siya. Pagkatapos, haha­napin niya si Alexis. Nasasabik na siya kay Alexis. Sa isip ni Brenda, patay-gutom pa rin ang Alexis na ‘yun. Tiyak pagnalaman ni Alexis na marami siyang pera, hindi na siya pakakawalan. Hintayin mo ako Alexis baby!

Lalo pang uminit ang pagnanais ni Brenda na makita si Alexis dahil wala nang maibuga si Sir Nath. Kapag nagtatalik sila, wala nang maikakaya. Lungay­ngay na!

Kailangang mahanap niya si Alexis! Tiyak nasa probinsiya ang Alexis na iyon at magsasaka siguro. Hindi na naiba ang buhay. Patay-gutom pa rin, sa isip niya.

(Itutuloy)

AHAS SA GARDEN(226)
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with