^

True Confessions

Ahas sa Garden(203)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI mapalagay si Ester sa nakikitang pagbabago sa mansion sa kanilang tapat kaya kahit na si­na­bihan ng asawang si Mauro na huwag nang intindihin ang mga nakikita, tinawagan pa rin niya si Manang para ibalita ang mga nangyayari.

“Tinaasan ang pader ng mansion, Manang at laging may mga sasak­yan na labas-masok doon. Nagtataka talaga ako sa mga nangyayari sa mansion na iyon.’’

“Bakit kaya tinaasan ng pader? E di hindi na makita kahit ang bubong ng mansion?’’

“Oo. Puro pader ang makikita paikot ng mansion.’’

“Hindi kaya sinira na rin ang mansion, Ester?’’

“Ewan ko.’’

“Kawawa naman ang pinundar nina Mam. Nasa­yang ang mga magagan­dang tanim niya at pati mga antique na gamit. Pa­lagay mo, yung mga gamit, kasama sa bilihan?’’

“Palagay ko. Wala kasi akong nakitang inilabas ka­hit isang gamit.’’

“Sayang talaga ang mansion na ‘yan. Ang ikinatatakot ko ay baka hindi alam ng mga anak ni Sir Nath na binenta na ang mansion.’’

“Huwag ka nang mamroblema, Ma­nang. Kaya ko lang itinawag sa’yo e nagtataka ako kung bakit tinaasan ng pader.’’

“Salamat at tina­wagan mo ako, Ester.”

“Kumusta ang buhay Manang?’’

“Maayos naman. May tindahan ako rito sa probinsiya.’’

“Sige Manang, ingat ka.”

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(203)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with