^

True Confessions

Ahas sa Garden (202)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TUWANG-TUWA si Brenda nang makita ang condo unit na ibinili para sa kanya ni Sir Nath. Kumpleto na sa gamit ang unit. Lilipatan na lang.

“Anong masasabi mo, Babe? Tinupad ko na ang hiling mo. Sariling-sarili mo ang unit na ito.’’

“Ang ganda, Babe! Bi­nigla mo ako!’’

“Iba ako, Babe. Tahimik ako pero mabilis umaksiyon. Kapag sinabi ko, gina­gawa ko.’’

“I love you Babe. Lalo ka tuloy napamahal sa akin.’’

“Baka mayroon ka pang gustong hilingin, sabi­hin mo na Babe.’’

“Wala na Babe. Wala na akong mahihiling pa,” at saka hinalikan sa labi si Nath.

“Lahat nang gusto mo, ibibigay ko. Lahat nang pera ko ibibigay ko sa’yo.’’

“Talaga?’’

“Oo.’’

“Paano ang mga anak mo, Babe?’’

“Ako ang magpapasya at hindi sila. Kung gusto kong gastusin lahat ang pera ko, wala silang pakialam. Ako ang masusunod!’’

“Alam na ba nila na ibinenta mo na ang mansion?’’

“Hindi ko alam. At kahit malaman nila, wala na silang magagawa dahil naibenta ko na.’’

“Paano kung umuwi sila at wala na pala ang mansion?’’

“I don’t care! Malalaki na sila at hindi ko na dapat pang intindihin. At saka wala na naman silang paki sa akin. Bakit ko pa sila iintindihin. Kanya-kanya na kami!’’

Napangiti nang lihim si Brenda. Naisip niya, muk­hang mapapadali ang pag­limas niya sa pera ni Nath. Kapag naubos niya ang pera, lalayasan na niya ito.

“Sabagay, kahit hindi ka na mahal ng mga anak mo, narito naman ako Babe. Ako lang talaga ang nagmamahal sa’yo! Hindi kita iiwan! Pangako, Babe,” sabi ni Brenda at muling hinalikan sa labi si Nath.

Pagkatapos ay niyaya niya ito sa kuwarto.

“Halika, binyagan natin ang unit na ito, Babe.’’

Nagtawa si Nath.

“’Yan ang gusto ko sa’yo Babe. Sige, binyagan natin!’’

Pumasok sila sa kuwarto.

Mayroon namang nag­lalaro sa utak ni Brenda: Kaunting panahon na lang at iiwan na kita. Hahanapin ko si Alexis! (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with