^

True Confessions

Ahas sa Garden(201)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ABALANG-ABALA ang mga trabahador sa pagpapatong ng mga hollow block sa pader. Dahil sa dami ng gumagawa, wala pang isang oras ay halos natakpan na ang view ng ibinentang mansion. Hanggang sa tuluyan nang walang makita si Ester sa loob. Buong pa­ligid ng mansion ay tinaasan ang pader.

Maya-maya pa, pini-fi­nish na ang pader. Makinis na makinis na parang walang idinagdag sa dakong itaas.

Tinawag ni Ester ang asawang si Mau na noon ay abala sa likod ng bahay sa paglilipat ng mga namumulaklak na tanim.

“Halika Mau, dali!’’

Lumapit si Mau.

‘‘Bakit, Ester?’’

‘‘Tingnan mo ang binentang mansion at hindi na makita!’’

Sinilip ni Mau.

“Oo nga ano? Bakit kaya tinaasan?’’

“Ako nga rin nagtataka. At ang bilis gumawa ng mga trabahador. Talagang rush!’’

“Mayaman sigurado ang nakabili n’yan! Kayang buma­yad kahit ilang trabahador.’’

“Bakit kaya kailangang itaas ang pader ano? Para tuloy walang bahay. Hindi kaya may itinatago ang nakabili niyan?’’

“Nag-iingat siguro na ma­nakawan. Maraming akyat-bahay ngayon.’’

“Pero sobrang taas naman ng pader na ‘yan.’’

“Nasaan na kaya ang dating­ may-ari ng mansion, Ester?”

“Si Sir Nath? Baka bumili ng bagong bahay...’’

“Kasama ang ka-live in na nagmura sa’yo?’’

“Malamang. Grabe ang bunganga ng babaing yun. Hindi ako nakakibo matapos murahin. Espiya raw ako ni Manang.’’

“Kaya nga sa susunod huwag kang papapel ng ganun. Ikaw tuloy ang napag-ini­tan. Kaganda-ganda at walang nakakapagsalita sa’yo e biglang may nagmura sa’yo.’’

“Gusto ko lang tulungan si Manang. Muntik na kasi siyang patayin ng hayop na babaing yun.’’

“Anong pangalan ng babae?’’

“Brenda.’’

“Huwag ka nang makikisangkot sa problema ng iba. Manahimik ka na lang dito sa loob. Baka pagnalaman pa ng amo natin na nakikisawsaw ka e pagalitan ka pa. Mabuti na lang at wala pa sina Boss at Mam dito. Huwag ka nang makikialam ha, Ester?’’

“Oo. Hindi na.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(201)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with