Ahas sa Garden (200)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2019 - 12:00am

PATULOY na sinubayba-yan ni Ester ang container van na pumasok sa ma-laking gate ng mansion na dating pag-aari ni Sir Nath. Nagtataka si Ester kung bakit pati container van ay ipinasok sa gate. Hanggang maisip niya na maaaring negosyante ang Chinese na nakabili sa mansion. Mga panin­da marahil ang laman ng van. Maaaring galing sa Hong Kong o China.

Makaraan ang isang oras, lumabas na ang container van. Hinabol ng tingin ni Ester ang papalayong sasakyan.

Mayaman nga siguro talaga ang nakabili sa mansion at ginagawa itong bodega ng mga paninda o iba pang kargamento.

Pero kinahapunan, may nakita na naman siyang closed van na pumasok sa gate ng mansion.

Makaraan ang may 15 minuto, lumabas na ang van. Hula ni Ester may ini­hatid lamang ang van sa loob. Baka bisita ng may-aring Chinese.

Ang pinagtataka pa ni Ester, kahit sa kalaliman   ng gabi ay mayroong du-marating na sasakyan.

Ang mga naoobserbahan ni Ester sa mansion ay sinabi niya sa asawang si Mauro. Si Mauro ay fami­ly driver.

“Nagdududa na ako sa madalas na pagpasok ng mga sasakyan diyan sa ipinagbiling mansion. Kahapon, may malaking container van at walang tigil ang pagdating ng mga van na tinted ang salamin.’’

“Masyadong mayaman siguro ang nakabili niyan Ester kaya maraming bisita lagi.’’

“Bakit may container van na pumasok?’’

“Baka may  negosyo ang may-ari.’’

“Mga paninda ang laman, Mau?’’

“Oo.’’

“Sabagay ‘yan din ang naisip ko. Baka galing sa Hong Kong ang kargamento.’’

“Basta hindi magulo ang nakatira diyan e wala tayong dapat ikatakot.’’

“Sabagay nga.’’

Pero nang mga sumunod na araw, nagulat si Ester sa nakita.

May mga trabahador siyang nakita sa katapat na mansion at tinataasan ang pader. Halos hindi na makita ang mansion dahil sa taas ng pader!

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with